May 25, 2025
Iya Villania-Arellano officially replaces Pia Guanio on ‘Chika Minute’
Home Page Slider Latest Articles

Iya Villania-Arellano officially replaces Pia Guanio on ‘Chika Minute’

Jun 15, 2015

By PSR News Bureau


Beginning today, June 15, opisyal ng magiging bahagi si Iya Villania-Arellano ng ’24 Oras’. Siya na ang magiging news anchor para sa ‘Chika Minute’ segment ng flagship news program ng GMA 7 na ’24 Oras.’ Pinalitan ni Iya si Pia Guanio matapos mag-resign ng huli nitong nakaraang Linggo upang mas mapagtuunan niya ng pansin ang kanyang pamilya. Bilang bagong host ng ‘Chika Minute,’ masaya at excited na rin ang nagbabalik-Kapuso na si Iya na simulan ang kanyang bagong proyekto.

Hindi rin naman matatawaran ang galing ni Iya bilang isang host dahil marami na rin naman siyang naging programa noon maging sa istasyon kung saan siya namayagpag.

Aniya, bibigyan daw niya ng kakaibang estilo sa pagbabalita ng mga bagong kaganapan sa loob at labas ng showbiz. Sigurado daw siyang mae-enjoy niya ang kanyang bagong trabaho bilang host ng ‘Chika Minute’ dahil likas daw siyang palabasa ng mga balitang showbiz. Abangan si Iya mamaya kasama nina Mel Tiangco at Mike Enriquez sa ’24 Oras.’

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR), Congratulations Iya!

Leave a comment