
Chanel Latorre gets her biggest break in “Of Sinners and Saints”
[starlist][/starlist]
For someone na maituturing na “suki’ ng mga indie films, maraming beses nang napatunayan ni Chanel Latorre ang kanyang galing sa pag-arte. Una siyang napansin at nabigyan ng lead role sa international movie na “Wan Chai Baby” ni Craig Addison kung saan ginampanan niya ang papel ng isang OFW na napilitang magtrabaho sa Hongkong para suportahan ang kanyang anak at pamilya sa Pilipinas.
Pagkatapos ng ilang taong paghihintay, dumating na rin ang pinakahihintay na break ni Chanel na magbidang muli sa pelikulang “Of Sinners and Saints” sa sariling bansa. Ayon pa kay Chanel, talagang ipinagdasal niya ang makasali sa cast ng “Of Sinners and Saints” at dininig naman ito ng Maykapal ang kanyang panalangin sapagkat isang main lead at hindi supporting ang kanyang role sa nasabing pelikula.
“Dininig rin ni God ang mga panalangin ko. Sobrang galak at kaba ko dahil finally binigyan nila ako ng chance na ipakita ang kakayanan ko as a lead actress in my own country,” bulalas ni Chanel.
Ano ang role niya sa
“I am playing the role of Merlinda. Simpleng Filipina na umibig sa isang foreigner, not knowing galing pala sa seminary ito. She waited for the foreigner to come back but she lost hope so she married a man named Franco na isa palang bayolente at sadistang tao.”
Dahil sa hirap at dusa niya sa piling ng napangasawang si Franco, magtatagpo silang muli ni Leonardo, yung ex boyfriend niya na foreigner na pari na pala. Dahil na-guilty si Leonardo sa pag iwan niya kay Merlinda, he decides to help her and eventually commits the supposed sin of “falling in love” again,” pagkukuwento ni Chanel.
Gaano ka-close si Merlinda kay Chanel sa tunay na buhay?
“Ang mga similarities namin ay yung fragile kami outside pero ayaw naming may nakakakitang lumuluha kami kahit tutulo na. Pangalawa, yung pambihirang pagmamahal sa pamilya na kahit ipagpalit mo ang buhay mo basta’t safe ang mga minamahal mo sa buhay. Pangatlo, hindi ako naniniwalang kasalanan na ma-in love ang isang pari. The vow of celibacy was only made by humans but not of God,” paliwanag pa ni Chanel.
Sa tunay na buhay, na-attract ka na sa isang pari?
“Hindi pa. Paniwala ko naman kasi, wala namang immoral doon kung sakali,” aniya.
Sino ang mga lalaki sa buhay mo rito?
“Si Ruben Maria Soriquez, siya yung pari, siya rin ang director namin. He’s an Italian. Iyon namang sadistang napangasawa ko ay si Polo Ravales na napakagaling at pang-award ang acting dito sa pelikula,” pagbubunyag ni Chanel.
How daring and sexy did you get in this movie?
“May love scene kami ni Polo. Medyo animalistic ang dating. Actually, it’s a rape scene pero it was done in good taste,” ayon kay Chanel.
Ikaw ba ang sinner o saint sa pelikulang ito?
“Well. Bahala na pong mag-judge ang mga tao, kung ako ang sinner o saint. Kasi, baka pag sinabi kong saint, walang maniwala,” pabiro pero seryosong sagot ni Chanel.
Ang “Of Sinner of Saints” na mula sa direksyon ni Ruben Maria Soriquez ay mapapanood na sa 2nd World Premieres Film Festival simula sa Hunyo 24 hanggang Hulyo 7 sa SM Cinemas.
Kasama rin sa cast sina Ruben Maria Soriquez, Polo Ravales, Raymond Bagatsing, Richard Quan, Althea Vega at Sue Prado.