
“Happy Wife, Happy Life” enhances LJ Moreno’s entrepreneurial skills
Para kay LJ Moreno-Alapag, malaki ang tulong nang pagiging host niya ng daily morning reality and lifestyle show na “Happy Wife, Happy Life” para ma-enhance ang kanyang entrepreneurial skills.
“Nag-e-enjoy ako na makakilala ng iba’t-ibang tao lalo na pag nagpi-feature kami ng mga stories of successful Mompreneurs [mga Mommy na mayroong sarili nilang business] rin like me. Nai-inspire rin ako to do or try big things pa para sa business ko,” bulalas ni LJ.
Ayon pa kay LJ, nakatulong ang exposure niya sa naturang programa para madagdagan din ang kanyang koneksyon sa larangan ng pagnenegosyo.
“There was a time before kasi na naghahanap ako ng machine na pang-mold ng mga Lolly cakes ko. Iyong isa sa mga entrepreneurs sa show na episode na naipalabas namin, siya yung naging lead ko sa supplier na tumulong sa akin,” pagbabalik-tanaw niya. Dugtong pa ni LJ, kung noong una ay naging aligaga siya na gawin ang show dahil sa takot na magka-conflict ito sa kanyang role bilang wife, mother and businesswoman, ngayon nga ay proud niyang sinasabi na blessing ang kanyang show na nakatulong para lumawak pa ang kanyang kaalaman.
“Ang dami kong natututunan sa show, especially iyong mga success stories tulad noong gumagawa ng choco-polvoron na nagsimula lang sa mga kubo-kubo. Yung mga business insights nila, nakatulong siya para madagdagan ang knowledge ko as an entrepreneur,” pagbibida niya.
Kuwento pa ni LJ, ang “Happy Wife, Happy Life” ang tipo ng show na bagay sa kanya.
“Sakto lang kasi siya sa schedule ko. Ito yung tipo ng show na habang ginagawa mo, nag-e-enjoy ka pa. We have our own days here. Naa-adjust siya kasi prior to that, ibinibigay na namin yung sked namin and I’m thankful dahil perfect din siya [show] para i-showcase ko at mai-share ko rin ang kaalaman ko based sa experiences ko both as a mom and on business matters as an entrepreneur,” aniya.
LJ is into food business na gumagawa ng mga Lolly cakes [Lollipop cakes] na to date ay may six franchises na mula nang magsimula itong mag-operate noong taong 2011.
LJ is happily married na din siya sa tanyag na cager na si Jimmy Alapag with two kids, a boy and a girl for approximately five years na. For LJ, motherhood has taught her to be more patient and to be more conscious on how to manage her time wisely. Aminado rin si LJ na nami-miss niya ang acting, bagamat prayoridad pa rin niya ang pamilya especially that her kids are in their growing years.
Mapapanood si LJ sa “Happy Wife, Happy Life” na naka-season 2 na, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 10:15 ng umaga sa TV5 kasama sina Danica Sotto-Pingris at Mariel Rodriguez-Padilla.