
What keeps Nash Aguas busy?
Ang bagong boy group na Gimme 5 ang pinarangalan bilang Most Promising Recording/Performing Group sa idinaos na awards night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ginanap sa The Theater ng Solaire Hotel & Casino noong Linggo, June 14. Miyembro ng grupong ito si batang aktor na si Nash Aguas. Kasama ng Bagito lead dito sina Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez [na anak ni Mark Anthony Fernandez], at Brace Henry Arquiza.
“Sa ngayon po, gusto nilang mag-focus muna ako sa Gimme 5,” sabi ni Nash nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR). “Kasi ‘yung album po namin, ini-release during Bagito. So medyo naudlot ‘yung promo namin para rito. Ila-launch na po namin ‘yung third single naming “Aking Prinsesa,” so abangan n’yo na lang,’ pagbibida pa ni Nash sa amin.
Singing na talaga ang priority niya as of now at secondary na lang ang acting?
“Iyon nga po. Dahil sa grupo naming Gimme 5. Nagti-train po kami. Nagwu-workshop din po kami halos araw-araw, ganyan.”
Paano kung magkaroon uli siya ng teleserye?
“Kung kaya po nating pagsabayin iyon, pipilitin natin. Siyempre po, we welcome that as well kasi po blessing ‘yun e. So hindi dapat pinalalagpas ‘yung ganoong opportunity.”
May upcoming concert na rin ba ang grupo nilang Gimme 5?
“Pinagpaplanuhan po. Nakakatakot pa pong isipin, pero excited po kami kung magkakaroon man. Siguro abangan na lang po, for now, more practice pa muna yung grupo. So far, wala pa pong concrete plans tungkol sa pagkakaroon ng concert.”
Ready na kaya ang kanilang group sakaling ma-push through ang pagkakaroon na rin nila ng concert?
“Siguro kailangan pa naming mag-training at magpursigi. Kasi hindi naman po kami dapat makuntento sa kung anong meron kami. So kailangan pa ng training. Mahirap pong sagutin kung kaya na ba naming mag-concert. Pero kung mga performances sa mga mall shows, kaya na po naming,” paliwanag ng aktor.
“Pero ibang usapan nap o kasi kapag yung talagang concert na kasi medyo mahirap. Maraming songs kaya siyempre ‘yung stamina ninyo po kailangan okay,” dagdag pa ni Nash.
Everyday na training. Ilang oras kada araw ang ginugugol ng grupo nila para rito?
“Eight ng umaga hanggang three po ng hapon kada training namin na parang pumapasok ka rin sa school. Everyday po, nagha-harmony workshop kami.”
Smooth ba naman ang takbo ng training nila. Walang nagiging pasaway, nale-late, o nag-a-absent?
“Minsan po siyempre kapag iba’t-iba kami ng schedule. O kapag may mga taping.”
Kumusta naman sila ng naging leading lady niya sa ‘Bagito’ at inili-link sa kanya na si Alexa Ilacad?
“Ayos naman po,” tila na-concious pero nangiting sabi ng young actor.
Tuloy pa rin ba ‘yong magandang samahan nila?
“Opo. Hindi naman po nawala, e.”
Nandoon pa rin ‘yung sinasabing special friendship na nabuo sa pagitan nila?
“Opo,” matipid niyang sagot.
Hindi talaga siya nanliligaw kay Alexa?
“Hindi po. Bawal pa po.”
Simula na ng school year para sa sa kasalukuyang taon. Back to studies din daw si Nash sa isang private school sa Cavite City.
“Fourth year high school na po ako. Mahirap talaga pong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista. Pero siyempre kailangan nating gawin kung ano ‘yung dapat gawin. Tinututukan ko rin talaga personally yung pag-aaral ko, hindi ko puwedeng pabayaan iyon, kasi importante po iyon.”