
‘Pinay Beauty Queen Season 2’ will be opening soon!
By Mildred A.Bacud
Isang kandidatang umaming lesbiyana, isang kandidatang binu-bully sa eskwelahan kaya may gustong patunayan, ito at marami pang ibang kuwento ang inyong matutunghayan sa muling pagbubukas ng pinakamagandang reality show sa bansa—ang ‘Pinay Beauty Queen Season 2.’
Mapapanood na ito simula sa June 21, 5:30PM-6PM sa GMA News TV. Hosted by Ms.Grand International Runner-Up Ali Forbes, mentors 2000 Bb.Pilipinas Universe Nina Ricci Alagao, 2011 Ms. Universe 3rd Runner-Up Shamcey Supsup, 2013 Ms. International Bea Rose Santiago at 2004 Ms.
Earth Priscilla Meirelles-Estrada. Kasama si Wilma Doesnt and her partner Sugar as Training Supervisors. Puno ng drama, komedya at aksyon ang nasabing reality show na magbibigay pagkakataon sa mga aspiring candidates sa pangarap nilang maging beauty queen. Sa bawat challenges ay susubukan ang tatag ng kanilang loob, matira ang matibay.
Ang ‘Pinay Beauty Queen Academy’ ay stepping stone sa bawat kandidato na nangangarap makilala sa larangan ng beauty pageant.