May 23, 2025
Blind Fold

Young actress used another guy to make her ex boyfriend jealous

Jun 19, 2015

By PSR News Bureau

Hindi na kami nagtataka nang maghiwalay ang isang aktres at ang non-showbiz nitong naging nobyo. Unang-una kasi’y ginamit lang naman ng aktres ang nasabing guy upang pagselosin ang dati niyang boyfriend na isang hunk actor. Buong akala kasi ng aktres na muli siyang susuyuin at magkakabalikan pa silang muli ng hunk actor mula nang maging magkaibigan ulit sila nito. Matagal din kasing naging nobyo ng aktres si hunk actor. Nagkasira lang naman sila noong pumasok na sa eksena ang isang aktres na naging leading lady ng nobyo niyang hunk actor sa isang teleseryeng ginawa nito.

Hindi naman sinasadya ni young actress na gamitin ang non-showbiz guy na nagkataong anak din ng aktor. Idinadahilan ng aktres na kaya sila naghiwalay ng non-showbiz guy ay dahil umano sa pagiging malayo ng lalaki sa kanya. Kasalukuyan kasi itong nasa ibang bansa at nagpapakadalubhasa sa kanyang larangan. Pero nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si aktres, lumabas mismo sa bibig niya na pinagsisisihan umano niya na pumasok agad siya sa isang relasyon gayong alam niyang hindi pa siya handing muling magmahal pagkat si ex hunk actor pa rin ang isinisigaw ng kanyang puso. Hay, ang pag-ibig nga naman!

Leave a comment

Leave a Reply