
Why Lance Raymundo considers his role in “Maskara” as the most challenging?
Marami nang character roles ang ginampanan ni Lance mula sa mabait, salbahe at in-between sa pelikula at telebisyon. Pero ikinu-consider niyang isa sa pinakamalaking challenge sa kanyang acting career ang kanyang role bilang si Bert Javelo sa “Maskara.”
Bakit itinuturing mong biggest challenge ang role mo rito sa “Maskara”?
“Living up to its title, hindi mo kasi maisip agad kung ano at sino siya, kung ano ang motibo niya kay Pia (played by Ina Feleo). May mga itinatago yung role ko rito bilang Bert Javelo. He is a powerful CEO from Prime Connections, isang company na nakakuha ng kontrata para i-manage ang One Wired Nation, isang sistema kung saan interconnected na ang lahat at may access sa information mula sa pinakamaliit na barangay hanggang Malacanang,” paglalahad niLance. “Kakaiba ito sa ibang mga roles ko in the past, it’s either straight na bad guy siya, pero dito may gray area iyong character ko na napakagandang i-portray,” pahabol niya.
Ano ang realizations mo rito tungkol sa character mo rito?
“Everyone is susceptible to corruption. The richer you are, the more vulnerable you are to corruption,” pahayag niya.
Ayon pa kay Lance, natutuwa siya at napasama siya sa isang socially relevant film like “Maskara.” “It’s actually a very timely film about corruption and how it takes different forms,” aniya.
Dagdag pa ni Lance who shares equal leading status with Ina Feleo and Ping Medina, honored siya na makasama ang dalawa sa pinakamagagaling na indie actors sa industriya sa kanyang latest starrer.
“Idol ko si Ping at minsan ko nang pinangarap na makasama sa isang project na naudlot dati. Si Ina naman ay napakagaling din kaya’t masaya ako na nagkaroon ng katuparan yung pangarap ko dito [“Maskara”],” pagbubulgar niya.
Mayroon bang social statement ang pelikula tungkol sa nangyayari sa ating bansa?
“Hindi naman nawawala iyon, pero siyempre, cinematic approach na lang siya. Iyong napaghahalo mo ang message mo at the same time, entertaining pa rin iyong pelikula,” ayon kay Lance.
What do you think is the best way to address the issue of corruption in this country?
“It all boils down to leadership. Kung maganda ang leadership at very strong ang drive nila to fight graft and corruption, it will be successful, otherwise it is bound to fail,” sabi niya.
Ang “Maskara” ay tungkol sa kuwento ni Pia Gorospe (Ina Feleo), isang journalist na pursigidong tuklasin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Willie Miranda (Rolando Inocencio), may-ari ng One Wired Nation (OWN). Sa kanyang pagsisiyasat, makikilala niya sina Bert (Lance Raymundo) , isang matikas na marketing executive ng Primecone, kung saan ini-award ang kontrata ng One Wire Nation (OWN) project at Alex (Ping Medina), isang military intelligence cooperative na kapwa may hidden agenda para paibigin siya: ang isa ay nagtatago sa maskara at ang isa naman ay katuwang niya at handang protektahan siya.
Dadalhin sila ng kanilang paghahanap sa Marinduque kung saan ginaganap ang Moriones festival sa kanilang pagtuklas ng katotohanan.
Mula ito sa direksyon ni Genesis Nolasco, kabituin din sina Lester Llansang, Alvin Fortuna, Dennis Coronel at Ms. Boots Anson Roa.
Ang “Maskara” ay kalahok sa 2nd World Premieres Film Festival, Filipino New Cinema section ng Film Development Council of the Philippines na nakatakdang mapanood mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 7 sa SM Cinemas.