May 22, 2025
Nicco Manalo would like people to recognize him for his talent
Faces and Places Movies

Nicco Manalo would like people to recognize him for his talent

Jun 23, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

18Nicco Manalo is the son of accomplished TV host-comedian na si Jose Manalo na familiar figure sa longest running noontime variety show na “Eat Bulaga” at sa innovative Saturday night game show na “Celebrity Bluff.” Pero common knowledge rin na maliban sa anak siya nito’y isang magaling din na aktor si Nicco na nanalo ng best supporting actor award sa Cinemalaya last year at sa Star Awards for Movies ngayong taon para sa pelikulang “The Janitor” ni Michael Tuviera.

Dahil sa popularidad ng kanyang ama, hindi maiiwasan na minsan ay maikumpara siya sa kasikatan nito. Pero sa parte ni Nico, mas gusto niyang gumawa ng pangalan at magkaroon ng sariling identity sa industriya na hindi kailangang sumakay sa popularidad ng ama.

Sinadya ba on your part na serious acting ang tahakin mo na taliwas sa direksyon ng iyong ama?

“Hindi ko siya sinadya. Noon kasing pumasok ako sa showbiz, una kong naging training ground ang teatro tapos nakapag-cross over ako sa pelikula, sa TV at pati sa commercials. Tapos mas tinangkilik ako sa mga roles na seryoso, intense at even mga over-the top at iyon na ang naging career path ko. Pero nakakatawa rin naman ako, hindi lang halata dahil hindi alam ng tao,” paliwanag ni Nicco sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Kumusta na ang relasyon mo sa iyong ama?

“Okay naman kami. Naayos na ang sigalot. Minsan dahil sa work, bihirang mag-usap. Iyon namang sa kanila ng Mommy, nasa korte na iyon. Ayaw ko namang makialam sa problema nila,” aniya.

Pinapanood ba ng father mo ang mga performances mo?

“Oo naman, pero hindi lahat,” matipid niyang tugon.

Kini-critique ka rin ba niya sa iyong pag-arte?

“Noong nag-uumpisa ako, nagbibigay siya ng advice. Ang last na napanood niya ay iyong “The Janitor.” Binati niya ako noong manalo ako sa Star Awards. Naawa raw siya sa akin dahil ginulpi ako roon sa pelikula,” paglalahad niya.

Willing ka bang makasama ang iyong father sa isang pelikula?

“Puwede siguro.”

May naging isyu sa inyo ng dating manager mo na si Ferdinand Lapuz dahil hindi raw naging maganda ang inyong paghihiwalay. Kumusta na kayo?

“Okay na po kami. Nag-uusap na po kami.”

Ayon pa kay Nicco, biggest break niya as a lead ang “Ang Kwento Nating Dalawa.”

“Sobrang excited ako dahil hindi pa ako nakikita ng mga tao sa ganitong klaseng role. It’s a love story. Tahimik ako rito at hindi sumisigaw. Walang hysterics.”

Ano sa palagay mo ang madidiskubre ng mga tao pagkatapos kang mapanood sa “Ang Kuwento Nating Dalawa?”

“Na puwede rin pala ako sa mga love story at effective rin ako sa mga romantic at subtle roles,”pagtatapos niya.

Mapapanood na ang “Ang Kwento Nating Dalawa” simula sa Hunyo 24 bilang kalahok sa 2nd World Premieres Film Festival, Filipino New Cinema division.

Mula ito sa direksyon ni Nestor Abrogena at kabituin din rito ni Nicco sina Emmanuelle Vera at Brian Corella.

Leave a comment

Leave a Reply