
Are James Reid and Julia Barretto dating?
May nakakita na magkasama umano sa isang restaurant sina Julia Barretto at James Reid ‘nagha-hug at nonstop kiss.’ Kung totoo ang balitang ito, siguradong hindi ito ikatutuwa ng ‘JaDine’ fans nina James at Nadine Lustre.
Kahit kasi consistent ang mag-loveteam sa pagsasabing friends lang sila ay umaasa pa rin ang JaDine fanatics na magkakagustuhan at magkakainlaban ang dalawa.
Si Julia ay may sarili ring ka-loveteam, si Iñigo Pascual. We doubt kung kasing dami ng JaDine fans ang supporters ng ‘JulÑigo’ loveteam, pero mukhang wala ring something sa pagitan nina Julia at Iñigo kung hindi simpleng friendship lang.
Kaya kung tutuusin ay walang masama kung mag-date man sina James at Julia dahil mukhang pareho silang single at available.
Nagkasama ang JaDine at JulÑigo sa set ng pelikula nilang “Para sa Hopeless Romantic.” Posibleng doon nagsimulang magkapalagayan ng loob sina James & Julia, di ba?
[divider]
Is Kiko Estrada disgruntled with ABS-CBN?
Balita namin ay galit pa rin itong si Kiko Estrada sa ABS-CBN 2 dahil tinanggal siya noon bilang isa sa leading men ni Julia Barretto sa defunct series na “Mirabella.” Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakaka-move on ang binata sa pagkakatanggal sa kanya sa nasabing serye kaya nga kung anu-ano raw ang sinasabi nito laban sa Kapamilya network.
Well, walang karapatang magalit si Kiko sa Dos. Dapat ay alam niya ang rason ng pagkakatanggal niya sa serye. Hindi naman kasi siya maka-arte ng tama na naging dahilan ng pagkaka-tsugi niya roon sa serye. Matuto muna siyang umarte, noh!