May 24, 2025
Piolo Pascual and Sarah Geronimo proves their chemistry in “The Breakup Playlist”
Latest Articles Movies

Piolo Pascual and Sarah Geronimo proves their chemistry in “The Breakup Playlist”

Jun 24, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

piolo 01 Nararamdaman ng ‘Ultimate heartthrob’ at Kapamilya award-winning actor na si PioloPascual ang pressure sa kanyang pinakabagong movie na “The Breakup Playlist” kung saan katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon ang ‘popstar royalty’ na si Sarah Geronimo.

Itinanghal kasing ‘Box Office King of the Year’ si Papa P. sa katatapos na 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa pelikulang “Starting Over Again” kung saan naging kasalo niya sa karangalan ang kanyang leading lady na si Toni Gonzaga bilang box office queen. Matatandaang isa sa mga highest-grossing Pinoy films of all time ang “Starting All Over Again” na kumita sa takilya ng humigit-kumulang na P411 million na bagamat posibleng mapantayan ito magiging mahirap naman na mahigitan. “Siyempre, may mga expectations ang mga tao especially na nakaabot ng ganoong mark iyong previous [film] mo,” aniya. “Happy na ako na kumita ang pelikula o mapantayan niya iyong record ng “Starting Over Again” kahit hindi niya ito mahigitan,” ani Piolo.

Ayon pa kay Papa P., bagamat nakaganap na siya bilang musician sa iba niyang mga pelikula, ibang level raw naman ang role niya bilang Gino sa “The Breakup Playlist.” “Mas may lalim at enigmatic iyong karakter ni Gino. Marami rin siyang mga “hugot” lines na kahit sino puwedeng maka-relate,” kuwento pa ni Papa P. sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Nakatulong din daw ang pagiging singer ni Sarah para makapag-adjust ito sa kanyang role bilang isang musician na may pinagdadaanan ang relasyon.
“Siguro, iyong love ko for music at pagiging musically inclined ko, iyon ang naging link ko sa role,”pakli ng ‘Pop Princess.’ “Pag kasi singer ka, nag-e-express ka rin ng emotions mo sa mga songs na ini-interpret mo. Mas napi-feel mo iyong kanta kapag may pinaghuhugutan ka na heartache o inspiration, or sad o happy experiences man,” dugtong niya.
Dagdag pa ni Sarah, naging bentahe rin ang kanyang musika para maitawid niya ang mga requirements ng kanyang role bilang Trixie, isang aspiring artist na umibig kay Gino (Piolo Pascual), isang rock musician.
Tungkol naman sa mga nagsasabing wala silang chemistry ni Sarah G., sinabi ni Piolo na naniniwala siyang tinatangkilik ng mga manonood ang isang pelikula kung maganda ang kuwento nito at matino ang pagkakagawa at puwedeng maging potential blockbuster ang isang pelikula kahit walang ibinebentang love team tulad nang nangyari sa kanilang pelikula ni Toni Gonzaga na “Starting All Over Again.”

Aminado din si Sarah na kinilig siya kay Papa P. sa pelikulang “The Breakup Playlist.”
“Talagang nasa wish list ko siya. Lahat naman siguro nangangarap na makasama siya. Kaya for me, itong makasama siya sa movie ay isang dream come true,” pag-amin nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Pagtutuwid pa ni Sarah, hindi isang musical ang “Breakup List” kundi isang romantic drama pero may mga musical numbers daw rito na kailangan sa kuwento.

“Importante lang siyang ma-establish sa pelikula kasi musicians ang role namin ni Piolo,” paglilinaw niya.
Happy rin si Sarah dahil sa movie niyang ito ay natupad ang pangarap niya na ma-interpret ang song ng paborito niyang artist na si Ed Sheeran via her own version of “Thinking Out Loud.

Unang pagkakataon din ni Sarah na makatrabaho si direk Dan Villegas na kilalang director ng 2014 MMFF surprise hit na “English Only Please.”

Pagtitiyak pa ni Sarah, kung sa “Maybe This Time,” may mga “hugot” lines ang karakter niya bilang Stephanie Asuncion, dito sa “The Breakup List” ay doble ang kanyang mga “hugot” lines na kaabang-abang dahil marami ang makaka-relate especially ang mga lovers na may dumadaan sa mala-rollercoaster na relasyon.

Hatid ng Viva Films at Star Cinema, ang “The Breakup List,” ang ultimate “hugot” romantic drama ng taon ay mapapanood sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 1.

Leave a comment

Leave a Reply