
Sunshine Dizon says acting is a collaborative effort
Para kay Sunshine Dizon, masasabi niyang isa siyang ‘Joel Lamangan baby. Mula kasi noong dalaga pa siya hanggang sa nagkapamilya na ay maituturing niyang si Direk Joel Lamangan ang isa sa mga mentors niya sa kanyang acting career.
Thankful rin si Sunshine kasi nang dahil kay Direk Joel Lamangan din ay napansin ang kanyang galing sa “Kamkam”(Greed) kung saan naging nominado siya bilang best actress in a foreign language film sa 2015 Madrid International Film Festival sa Espanya.
Ngayon, dalawa namang Urian awardees, Allen Dizon (2015 Urian best actor) at Gladys Reyes (2015 Urian best supporting actress) ang makakasama niya sa isang makabuluhang pelikulang “Sikyu” na ipro-prodyus ni Ms. Baby Go ng BG Films with Dennis Evangelista as supervising producer.
How does it feel that you will be pitted against two Urian award winning actors?
“Ï think the word ‘pitted against’ is not the proper word,’ pakli ni Sunshine. I believe kasi that acting is a collaborative effort. It’s also a team work,” dugtong niya.
Ayon pa kay Sunshine, wala naman silang eksena ni Gladys sa pelikula kaya’t walang dahilan para pagkumparahin sila. Gayunpaman, nanghihinayang siya dahil gusto rin niyang maka-eksena sana ang mahusay na primera kontrabida.
“Ït will be safe to say na mas naibibigay mo ang ‘best’mo sa isang eksena kung pareho kayong focused ng ka-eksena mo at nagtutulungan kayo sa pagbibigay ng support system sa isa’t-isa kung paano pa mapapaganda ang pagkaka-execute ng eksena. You’re not acting to compete doon sa ka-eksena mo kung hindi ibinibigay mo lamang kung anong gusto o hinihingi ng eksena na ibig maipalabas ng direktor,” paglilinaw niya.
Dagdag pa ni Sunshine, flattered siya at ipinagmamalaki rin niya ang kanyang mga co-actors na recently ay nanalo ng Urian. Dugtong pa niya, hindi siya pressured sa kanyang mga kasama kung hindi blessed siya na makatrabaho ang mga ito.
“I don’t have so much expectations sa mga co-actors ko. Basta ako, ginagawa ko lang at ibinibigay kung ano ang makakaya ko and I appreciate kung naku-complement ito,” aniya. “Basta ako, trabaho lang nang trabaho and I find fulfillment in that,” pagwawakas niya.
Second time na gaganap na asawa ni Allen si Sunshine sa “Sikyu” after “Kamkam”at ayon pa sa kanya, never raw silang nagkaroon ng ilangan ni Allen sa kanilang mga eksena dahil sa level of comfort ng pakikipagtrabaho niya rito na aniya ay isang very professional actor.
Ang “Sikyu”ay tatalakay sa buhay ng isang sikyu at kung paano susubukin ang kanyang katapatan ng mga pagkakataon.