May 23, 2025
Prince Stefan hopes to resurrect his acting career
Faces and Places Latest Articles

Prince Stefan hopes to resurrect his acting career

Jun 29, 2015

arseni@liao
By Archie Liao

 

310gma-princestefan2_072144-300x300 Pagkatapos mawala sa sirkulasyon, aktibo na naman ang dating Starstruck avenger na si Prince Stefan sa show business. Kasama siya sa “I Love You. Thank You” ni Charliebebs Gohetia na entry sa Filipino New Cinema section ng 2nd World Premieres Film Festival na mapapanood sa SM Cinemas hanggang Hulyo 7.

Maganda ang reception ng pelikula mo. Do you hope that with this movie, ma-resurrect ang career mo?

“Hindi ko po iniisip iyon. Ang sa akin, natuwa lang talaga ako dahil sa good feedback ng movie. Yung co-stars ko kasi nanalo na sila ng awards so I consider it as a blessing,” aniya. “Yung comeback ko, puwede siyang maging okay, puwedeng hindi, pero I always hope for the best. Ako naman, no regrets naman ako sa ginawa ko sa pelikula,” aniya.

Hindi ka ba natatakot na dahil sa napaka-convincing na pagganap mo bilang gay sa pelikula ay mabuhay muli ang mga espekulasyon at tsismis tungkol sa pagdududa sa iyong pagkalalaki?

“Ina-anticipate ko na po iyon. Sana magustuhan nila yung film hindi dahil sa personal na buhay namin kung hindi sa art at ganda ng kuwento ng pelikula,” tugon niya.

gamboa_4Sabi ni Joross, napaka-believable mo raw na gumanap na isang gay sa pelikula ninyo. Anong masasabi mo rito?

“Sinabi ba niya iyon? Kung compliment yun, thank you sa kanya,” sabi pa ng aktor.

Anong masasabi mo sa hindi mamatay-matay na isyu na kesyo ikinasal ka na raw sa isang rich gay o meron kang gay benefactor?

“That’s not true. Two years ago pa iyon. Naka-move on na ako. It’s a different time of my life. I think, na-outgrow ko na iyong stage na iyon. Iba kasi kapag bata ka, napaka-gullible mo pa pero kung hindi naman dahil sa past, hindi naman ako magiging ganito ka-smart. Ngayon, wiser na ako. Siguro, charge it to experience lang ,”pahayag niya.

Hindi ka ba nag-wo-worry na baka ma-typecast ka sa ganitong gay roles o sa mga gender bending themes?

“Hindi naman siguro. Ako naman, basta maganda at may quality iyong kuwento at makatutulong sa akin, gagawin ko.”
Ayon pa kay Prince, nag-lie low siya sa showbiz dahil nag-concentrate siya sa real estate at insurance kung saan na-base siya dati sa States.

“I sell condos. I sell real estate, pati insurance. Pinapadala ako ng company sa States so doon ako naging abala,” pagtatapos niya.

Wala na siya sa GMA Artist Center at lumipat na siya sa Viva Artists Management Agency kung saan tapos na niya ang isang horror film na “Chain Mail” under Viva Films. Nakatakda rin siyang gumawa ng isang teleserye sa ABS-CBN.

Leave a comment

Leave a Reply