
Arjo Atayde starstruck with Coco Martin!
All-praises ang award-winning actor na si Arjo Atayde kay ‘Primetime King’ Coco Martin na first time niyang makasama sa trabaho para sa pagsasatelebisyon ng pelikula ng yumaong si Fernando Poe Jr., na “Ang Probinsiyano.”
Ayon nga kay Arjo nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa kanilang tahanan sa Whiteplains, “Speechless ako nang makatrabaho siya [Coco] kasi napakahusay niya at napaka-professional. Hindi siya maramot na artista, nagbabahagi siya ng kanyang kaalaman para mas mapaganda pa ang bawat eksena.”
“Nagulat ako na ganun siya ka-down-to-earth. Nasabi ko sa sarili ko na may artista pa pala na ganun, na sobrang bait. Hindi niya ipaparamdam sa’yo na siya yung bida, na angat siya, hindi siya ganun. He’s more of lahat tayo isang team, gagawa ng maganda para sa isang show kung saan matutuwa ang mga taong manonood.”
“Surprised ako kasi wala sa isip niya yung iba ang level niya, kahit na sikat na sikat na siya. Nakakapag-isip pa siya ng ganun, mabait talaga, very humble at very generous na artista. Napaka-welocoming at very hospitable na tao si Coco, wala kang makikitang hindi maganda sa kanya. Bilib talaga ako at saka bilang artista, natutuwa talaga ako at nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya at makasama sa ganito kalaking proyekto,” paglalahad pa ni Arjo.
Kumusta naman ang trabaho sa set? “Mahirap po sobra , kasi its not all about acting our your emotions, hindi siya more on dialogue, more on physical siya [serye]. Ipinapakita talaga naming dito yung kung ano ba talaga ang pagiging isang pulis. Yung mga pinagdaraanan nila, na hindi pala biro ang maging isang pulis.”
Personal daw siyang nakipagusap sa isang pulis upang mas maintindihan ang mga ginagawa nito. Marami daw siyang natutunan sa pakikipagusap dito. In fact, after nung training lalo pang tumaas ang respeto ko sa kanila. Bilib na bilib din ako sa kanila.
Bahagi pa rin ng kanyang paghahanda para sa nasabing role ay nagpagupit ito ng isang clean haircut. “Okay sa akin yung haircut ko. Para maging mas kapanipaniwala ako, kailangan ito. Nung una medyo hesitant pa ako, pero noong naintindihan ko na kailangan ito para sa role at nakita ko nga na kahit si Coco nagpagupit rin, nagustuhan ko na rin. Marami din nagsabi na bagay daw sa akin yung haircut. Ang neat daw tingnan at mas malakas maka-masculine. Gusto ko na nga siyang i-maintain, papahabain ko lang ng konti,” pagmamalaki pa niya.
Kinumpirma na rin sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ni Arjo na hindi na nga raw siya kasali sa gagawing teleserye ng JaDine loveteam na binubuo nina James Reid at Nadie Lustre. “Of course, noong una, nanghinayang talaga ako. Pero siguro hindi talaga para sa akin. At saka wala naman akong karapatan na mamili ng proyekto. Kung saan ako ilagay dapat, happy na ako doon. Ang importante ay may dumarating na projects.”
“I’m doing my best naman so hindi ako kinakabahan as long as ginagagawa ko naman yung 100% ko , focused ako. Happy ako.”
Gusto ba niyang rumampa sa Cosmopolitan this year? “Puwede naman siguro. Tingnan natin. Pumayat naman na ako. So ime-maintain ko na lang para mas gumanda pa yung katawan ko. Ayoko magsalita ng tapos pero hopefully, we’ll see. Mahirap din kasi mag-display ng katawan tapos baka mapulaan pa ako. I need to prepare myself if and when I decide to do it. Pero siyempre, gusto ko rin naman rumampa ng naka-topless, masubukan lang at least once para masabi ko sa sarili ko na nagawa ko rin yun,” pagtatapos ni Arjo.