
Jiro Manio is now homeless and begs at NAIA Terminal 3
By PSR News Bureau
Base sa impormasyong nasagap ng Philippine Showbiz Republic (PSR), ang dating magaling na batang aktor na si Jiro Manio ay nananatiling walang permanenteng tirahan. Sa kasalukuyan nga daw ayon na rin sa Inquirer.net, nakikituloy si Jiro sa NAIA Terminal 3 at umaasa lamang ang dating magaling na aktor sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong at donasyon na pagkain ng mga may mabubuting-loob lalo’t higit ang mga nagtatrabaho sa nasabing paliparan.
Kaawa-awa ang sinapit ng batang aktor na ito. Matapos manalo ng mga awards sa iba’t-ibang award-giving bodies at kaagad nakilala dahil sa madamdamin nitong pagganap bilang “Magnifico,” kaagad naglaho ng parang bula ang aktor. Napagalaman na lamang ng mundo ng showbiz na nalulong ito sa masamang bisyo at nagkaroon pa ng mga anak sa kanyang murang edad.
Sinubukan tulungan ito ng premyadong direktor na si Maryo J. Delos Reyes bilang kilalang mentor ni Jiro. Ngunit nabigo ang direktor sampu ng ibang mga tumulong sa kanya. May nakapagsabi pa nga sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na nakita ang aktor na tulala sa isang lugar sa Lungsod ng Quezon.
Nawa’y magbago na sana ng tuluyan ang batang aktor habang may panahon pa siyang maituwid ang kanyang mga pagkakamali dahil bata pa naman siya. Hangad din ng Philippine Showbiz Republic (PSR) na muling magkaroon ng puwang sa industriya ng showbiz si Jiro Manio dahil hindi maipagkakailang mahusay naman itong aktor. Sana’y maayos niya ang kanyang buhay at maging aktibong muli sa showbiz.
Courtesy: ANC Mornings