May 24, 2025
JC de Vera says on split up with LJ Reyes: “It didn’t work the way we want it to be”; Enters the music scene through concert
Latest Articles

JC de Vera says on split up with LJ Reyes: “It didn’t work the way we want it to be”; Enters the music scene through concert

Jul 1, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

lj-reyes-and-jc-de-vera

Matapos ang break up nila nj LJ Reyes, mukhang okey na sa ngayon si JC de Vera. Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyari at nagkahiwalay sila pero ayaw niyang sabihin ang naging cause ng split up nila.

“It didn’t work the way we want it to be,” sabi na lang ng aktor. “Hindi lang siya talagang… hindi siya right time.

“Hindi siya ‘yong talagang… hindi napunta do’n. Hindi umabot do’n,” na maging smooth sailing sana ang relasyon nila ang ibig niyang sabihin.

Are they okey now? Do they still talk?

“Yeah! We’re okay.

“At… alam namin sa isa’t isa na meron kaming important priorities talaga na kailangang unahin.”

Sa career daw gusto ituon muna ni JC ang kanyang atensiyon. At excited nga raw siya sa nalalapit niyang concert, ang ‘Dreamboys’ na gaganapin sa Music Museum on July 1.

“Kasama ko sina Daniel Matsunaga and Matteo Guidicelli. With special guests… Erich Gonzales at saka si KC Tandingan.

Pic-1-and-2Hindi alam ng marami na marunong siyang kumanta. Kaya nagulat ang iba na biglang magku-concert siya.

“Iyon ‘yong tinanong ko rin sa sarili ko. Ako… magku-concert ako?

“Pero siyempre ‘di ba… meron palaging room for growth dito sa industry na ‘to. So… might as well try to explore.”

May sinasabi siyang someone special sa puso niya na manonood ng kanyang concert. Sino ito?

“Siya ang aking napakagandang mama. ‘Yong July 11, birthday niya talaga kasi iyon. So idini-dedicate ko ‘yong day na iyon for her.”

Maganda rin ang takbo sa ngayon ng pinasok ni JC na burger business. Dinarayo ang outlet nito sa may Aguirre Street ng BF Homes Paranaque.

Leave a comment

Leave a Reply