May 24, 2025
On Jiro Manio:  Ai-Ai delas Alas conveys message of support
Latest Articles

On Jiro Manio:  Ai-Ai delas Alas conveys message of support

Jul 1, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

Anak-anakan ni Ai Ai Delas Alas si Jiro Manio dahil sa pagsasama nila sa ilang series ng pelikulang “Ang Tanging Ina Mo” kaya maagap ang kanyang mensahe sa IG na gusto niyang tulungan si Jiro, kaya pinapahanap na niya ang pamilya nito.

Gusto ko po syang tulungan .. Pinapahanap ko ma sya ngayun .. Comment here pag meron kayong info about him … GOD BLESS!

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Maging ang dating President ng National Press Club at Publisher ng Hataw na si Jerry Yap ay nag-text din ng “Lets save Jiro Manio. Let’s get him as an indigent .If you have a way to contact the family or ABS, baka puwede ipaabot our offer. Kawawa naman.”

Balitang ibinalik na ng Manila International Airport Authoirty (MIAA) si Jiro at kinumbinsing bumalik sa pamilya pagkatapos mag-stay sa Ninoy Aquino International Aiport Terminal 3 ng apat na araw.

Maraming gustong tumulong kay Jiro para mabigyan siya ng chance ulit.

jiro-manio-interview-naia-video

Sa huling panayam kay Jiro ng mga TV crew na viral ngayon sa social media halatang umiiwas, naiilang, pabalang ang sagot at tuliro.

“Hindi , okey lang. Salamat na lang . Kaya kong mabuhay mag-isa,” tugon niya sa mga nag-aalok ng tulong na halata at parang wala sa normal na kilos si Jiro.

Hiningan ang kanyang reaction sa larawan niyang kumalat sa Facebook na palaboy siya sa NAIA Terminal 3.

“Sino nagkakalat? Sige nga, ipaliwanag niyo… sino naninira sa akin,” deklara niya.

May nagsabi na concerned lang ang mga ito?

“Concerned? ,” sambit niya.

“Ano ba ang naging problema, bakit?,” balik-tanong niya.

Maraming nag-aalala sa kanya.

“Bakit nag-aalala, kaanu-ano ko ba sila?,” medyo mataas niyang tono.

Nu’ng sabihing may mga taong nag-aalala sa kanya na nakatrabaho niya sa industriya.

“Hindi, hindi ko sila nakatrabaho. Iba ang trabaho ko, hindi ako artista,” bulalas niya.

Bakit nasabi niya na hindi na siya artista?

“Ano na lang yun, e… ano ko lang ‘yun eh, parang nickname ko lang naman kasi yun, e.”

Bulalas pa niya sa mga kaharap na TV reporter.

“Ano ba ang gusto niyong malaman sa showbiz, tungkol sa akin?”

Anong nangyari bakit nag-stay siya sa airport?

“Maaano ako dito. Nag-iistambay ako dito. ‘Tsaka aalis ako, e.”

Saan siya pupunta?: “Ay, hindi puwedeng malaman.”

Ayon sa aming source, gustong magpunta diumano ni Jiro sa Japan para makita ang tatay niya pero na-deny diumano ang visa niya.

Nang tanungin din sa isyung hindi sila magkasundo ng poster father niya?

“Hindi, wala akong tatay,” sambit niya.

“Walang ganoon. Baka drama lang ‘yun para bumalik ako dun. Gulo lang ‘yun. Away lang ‘yun.,” sey pa niya.

Paulit-ulit pa niyang sinabi, “Tama na…tama na. nakakahiya dito. May mga security pa,eh.”

Courtesy: ABS-CBNnews.com, Abs-Cbn TV Network

Leave a comment

Leave a Reply