
CJ Reyes aspires to become an award-winning actor
Napanood na si CJ Reyes bilang kapatid ni Mario Mortel sa “Be Careful with My Heart” at nakalabas na rin ito sa dalawang episodes ng top-rating Kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) kung saan ginampanan niya ang mga roles ng suitor ni Jessy Mendiola sa “Love and Power” at young Tonton Gutierrez sa “Twin Hearts” episodes.
Ngayon, pinakamalaking break niya ang pagganap bilang Ivan, ang object of affection ni Red (Prince Stefan) na hinahabol-habol naman ng kanyang best friend na si Paul (Joross Gamboa) sa pelikulang “I Love You. Thank You” ni Charliebebs Gohetia na kalahok sa Filipino New Cinema section ng 2nd World Premieres Film Festival.
Walang formal acting background si CJ dahil mas kilala siya sa paggawa ng commercials. Pero nang i-offer sa kanya ng talent manager na si Noel Ferrer ang role ni Ivan, hindi na siya nagdalawang-isip na ito ay tanggapin.
Ano ang preparasyon na ginawa mo sa pagganap mo sa pelikulang ito?
“Before kami nag-shoot, nag-workshop kami ni Direk Bebs. Ipinaliwanag niya sa amin iyong mga roles naming,” aniya ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Hindi ka ba naasiwa sa gay concept ng pelikula?
“Si Direk Bebs kasi iyong nag-motivate sa amin. So, kapag shoot na, hindi na kami nagkailangan, kahit pa medyo strong yung concept ng pelikula which is gay. Besides, I believe as an actor, dapat na maging versatile ka,” sabi niya. “Tapos si Kuya Joross [Gamboa] na nakaganap na sa mga gay roles dati, sa kanya ako humihingi ng tips kung paano aatakihin ang role ko,” dagdag niyang pahayag.
First full-length feature mo ay gender-bending ang theme. Hindi ka ba natatakot na ma-typecast ka sa ganitong genre?
“Hindi naman, Siyempre, I also look forward na hindi lang ganito ka-challenging na role ang gampanan ko in the future.”
Kung may isang offer sa iyo to do another movie that would require you to have a kissing scene with the same sex, okay lang sa iyo?
“Since I’m doing commercials, medyo restricted kasi ako sa ganoon. Nag-e-endorse ako ng wholesome brands, so hindi ko pa kaya iyong ganoon. Pero with gay stories na quality ang pagkakagawa, okay ako roon.”
Ayon pa kay CJ, hindi siya homophobic dahil nakapag-adjust na siya sa mundong ginagalawan niya sa showbiz.
“Ang tagal ko na sa advertising at sa modelling, since I was twelve or eleven. Then, pumasok pa ako sa TV. Marami akong friends in the industry na gay like production designers, make up artists, directors, agents, talent coordinators at sanay na ako sa pakikipagtrabaho sa kanila.”
Ano ang realization mo after doing “I Love You. Thank You?”
“Maganda siya na hindi nagmukhang gay movie. Pinatunayan niya na indie is a quality film, may sense, may istorya na hindi siya bastos na pambakla, sexy o halikan.”
Nakaka-relate ka ba sa karakter mo rito bilang Ivan? May semblance ba siya sa iyo in real life?
“Similarity when it comes to attitude, not with sexuality. Hindi rin ako nakukuntento kung ano ang meron ako.
Ayokong maging complacent sa ginagawa ko. Nag-a-aspire rin akong mas maging successful para matuto pa ng maraming bagay at marami pang marating sa buhay,”pagtatapos niya.
Kabituin ni CJ sa “I Love You, Thank You” sina Joross Gamboa, Prince Stefan at ang Thai actor na Ae Pattawan na palabas pa ngayon sa ongoing 2nd World Premieres Film Festival.