June 6, 2025
Blind Fold

To save his face from his detractors who ‘question’ his gender preference, hunk actor uses his nephew (his sister’s son) and introduced him as his own

Jul 7, 2015

By PSR News Bureau

Matagal nang may alingasngas ukol sa kasarian ng guwapong aktor noon pa man. May balita pa nga noon na magkasama silang dalawa ng isang singer-actor din na katulad niya sa isang sikat na hotel.

Nakapagbilang na rin naman siya ng mga naging girlfriend na pawang artistang katulad niya ngunit walang nagtagal sa kanilang lahat. Ang huli nga niyang naging karelasyon ay halos sirain ang reputasyon ng aktor sa industriyang kinabibilangan nito. Pero may nasagap na balita ang Philippine Showbiz Republic (PSR) tungkol sa kanyang ‘anak’ na ngayon nga ay tila sumusunod na rin sa kanyang yapak.

Ayon sa aming impormante na malapit na kaibigan ng kapatid ng guwapong singer-actor na ito’y hindi naman daw totoong anak niya ang nag-aartista na ring bata. Marami nga raw ang nakakapansin na higit na may hitsura ang ‘ama’ ng bata kesa sa kanya. Wala man lang daw masyadong namana ang bata maliban sa mga mata ng aktor. Ito raw ay dahil ang tunay na magulang nung bata ay hindi ang aktor kung hindi ang tomboy nitong babaeng kapatid na super close sa kanya. Ang aming impormante ay kabarkada ng tomboy na nakapatid ng actor. Inangkin na lang daw ng aktor ang batang iniluwal ng kapatid na tomboy dahil hindi naman pinanagutan ng nakainuman ng kanyang kapatid ang iniluwal nitong bata. Naisip na rin nilang gawin yun na magkapatid upang mapagtakpan ang katotohanang berde ang dugo [read: bakla o paminta] ng guwapong singer-actor.

Hanggang ngayon kasi’y hindi pa rin umaamin ang singer-actor kahit pa makailang-beses na siyang laman ng blind items at minsa’y hayagang itinutukoy pa. Nakakaawa rin ang hunk actor na ito kung tutuusin. Pinipilit niyang ituon ang kanyang atensiyon sa sports na kadalasan ay pang-lalaki para matigil na ang mga pagdududa sa kanyang kasarian. Ayon mismo sa isang kakilala namin na aktibo rin sa sports, narinig niyang sinisigawan ang aktor ng “Bakla! Bakla! Bakla!” habang ito’y tumatakbo ng mga taong hindi naman siya tunay na kilala ng personal.

Mabait naman ang aktor kaya’t nakakaawa siya lalo na noong mga panahon na halos ibandera na ng kanyang nakarelasyon ang kanyang tunay na kulay. Hindi kasi niya magawang umamin sa kanyang tunay na kasarian dahil oras na gawin niya ito’y siguradong mawawalan siya ng karera. Siguradong marami ang manghihinayang at mawawalan ng gana sa kanya at pihadong hindi na rin tatangkilikin ang kanyang mga pelikula. Kaya’t no choice ang aktor, mas gugustuhin nga naman niya na maging isang ‘binatang ama’ kesa naman mapulaan ng mga tao dahil hindi nga naman pala talaga siya pang-matinee idol kung hindi pang-leading lady pala! Isa lang ang sigurado ang Philippine Showbiz Republic (PSR), sa pagreretiro ng aktor na ito sa Amerika, pag dumating ang panahon na iyon ay doon na lang siguro siya magkakaroon ng layang makapagladlad.

Leave a comment

Leave a Reply