
Iza Calzado still a Kapamilya, Daniel Matsunaga to star in a teleserye
Muling pumirma ng kontrata ang Kapamilya actress na si Iza Calzado at ang Brazilian-Japanese hunk actor na si Daniel Matsunaga sa ABS-CBN. “Sobrang saya ko at ipinagmamalaki kong Kapamilya pa rin ako,” sabi ni Iza matapos pumirma ng dalawang taong kontrata sa Dos. Masaya rin ang aktres na nakatakda niyang gawin ang isang teleserye sa susunod na taon. Bagamat ang focus ng magandang aktres ay ang pelikulang “Etiquette For Mistresses” na tatampukan nila nina Kris Aquino, Kim Chiu at Claudine Barretto, excited na siyang muling makagawa ng teleserye.
Samantala, pumirma rin muli ang hunk model-actor na si Daniel Matsunaga na naging “Pinoy Big Brother All In” Big Winner. Nakatakda naming gawin ni Daniel ang seryeng “Be My Lady” kung saan makakasama nito ang kanyang real-life girlfriend na si Erich Gonzales. “Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos. Sa lahat ng mga dumarating na biyaya, at sa mga opportunities,” ani Daniel.
Naroon sa nasabing contract-signing ang ABS-CBN executives na sina Production Head Laurenti Dyogi, FreeTV Head Cory Vidanes, ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio at chief finance officer Aldrin Cerrado.