
MOR (My Only Radio) Pinoy Music Award Winners
MOR (My Only Radio) Pinoy Music Award Winners
Sa katatapos lang na MOR (My Only Radio) Pinoy Music Awards na ginanap sa Smart Araneta Coliseum ay si Daniel Padilla ang tinanghal rito bilang “Male Artist of the Year while si Yeng Constantino naman ang “Female Artist of the Year.” Tumanggap din dito ng award si Enchong Dee. Natanggap niya ang “Dance Hit of the Year Award” para sa unang album niya na “Chinito Problems.” “Sa lahat ng mga kabataan na patuloy na nangangarap, ipagpatuloy ninyo lang ang pangarap. Isang pangarap na naman ang natupad ko,”sabi ni Enchong sa kanyang acceptance speech.
Samantala, ang kanta ni Vice Ganda na “Boom Panes” ang tinanghal naman na “LSS Hit of The Year” dahil nga sa sobrang kasikatan ng nasabing awitin. Si Morissette Amon naman ang itinanghal bilang “Best New Artist of the Year.” Ang “Himig Handog P-Pop Love Songs 2014” by Various Artists naman ang nagkamit ng “Album of the Year.” Habang ang awiting “Mahal Ko O Mahal Ako” ni KZ Tandingan ang nagwagi bilang “Song of the Year.” “Regional Song of the Year” naman ang “Sa Akong Heart” by Von Saw Ang na nanalo base sa total text votes, mga boto mula sa MOR Pinoy Music Awards committee, at mga boto mula sa judges ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) kabilang ang VP for Special Projects na si Christian Bautista, board member Jose Mari Chan, at OPM president Ogie Alcasid. Sa lahat ng winner, lalo na kay Vice Ganda at Enchong Dee, our congratulations!
[divider]
Desiree del Valle confirms she’s now engaged with actor Boom Labrusca!
Kinumpirma ni Desiree del Valle na engaged na siya sa aktor na si Boom Labrusca. Ipinakita pa nga ng aktres sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ang suot niyang engagement ring nang pansinin namin ito sa thanksgiving press conference ng teleserye nilang “Flordeliza” kahapon, Martes, July 14, sa 9501 Restaurant sa ELJCC Bldg., ABS-CBN compound.
“Para masasabi kong taken na talaga ako,” nakangiting sabi ni Desiree.
Gayunpaman, naging matipid ang Kapamilya actress sa pagbibigay ng detalye sa kanilang engagement.
“Sa amin na lang ‘yun,” sagot niya nang matanong kung kailan nag-propose sa kanya si Boom.
Nang tanungin kung nangyari ito noong nakaraang taon, sagot ni Desiree: “Three years na kami, di ba? Let’s say early on.”
Dagdag pa niya, “Hindi ako Christian, Catholic ako… I have friends who are Christians.
“They say, ‘If you’re really serious with the girl, hindi mo pahihintayin ng isang taon o dalawang taon o tatlong taon to ask her hand in marriage. If you really think this person is really right for you, gagawin mo agad.'”
Samantala, wala pa naman daw silang definite plans kung kailan sila magpapakasal.
Saad ni Desiree, “We don’t plan things like that. That’s why I keep on saying madali lang kung gusto naming magpakasal. Most probably it’s not gonna be a big thing kasi both of our parents are in the [United] States. Andun ang mommy ko, andun din ang mommy niya. So siyempre, if ever that happens, it’s going to be a very private affair. But I’ll let the public know about it.”