May 23, 2025
Blind Fold

Pretty actress is getting tired of her boyfriend who had no plans of marrying her

Jul 16, 2015

Dati rati’y na-tsismis na rin na may pagka-tomboyita ang bida ng blind item natin ngayon. Eto yung mga panahong namamayagpag siya sa kanyang karera. Bagamat bata pa siya noon, maaga siyang isinabak sa mga ‘mature’ roles dahil na rin sa mukha niyang mestisa at dahil wala siyang kiyeme at arte sa kung anong hinihingi ng role niya. Minsan ko na rin na-interview ang aktres na ito, at nagulat ako na mayroon siyang ‘substance’ kausap. Nang maitambal siya sa isang popular na aktor, naging instant hit ang kanilang tambalan kahit hindi naman sila romantically-linked together. Hindi kasi siya type nung lalaking katambal niya. Lalo pa’t medyo may katabaan pa siya nung time na magkatambal pa sila. Kaya’t naging challenge ito sa dalaga at nagpapayat siya. Hanggang sa naging karelasyon niya sa matangkad na aktor na galing sa isang reality show.

Nag-click naman ang relasyon dito ni pretty actress. Sa katunayan, ilang taon na rin sila. Pero dumarating na yung time na napapagod na rin ang magandang aktres. Para kasing hindi seryoso ang aktor na karelasyon nito sa kanya. Wala pang balak lumagay sa tahimik ng matangkad na aktor na ang tanging kinabubuhay sa ngayon ay ang paglabas nito sa isang gag show. Kilalang happy-go-lucky kasi ang aktor na minsan na ring nakarelasyon ng isa pang mestisahing TV host na ngayon ay asawa na ng sikat na action star.

Kaya’t sa ngayon ay nag-iisip na ang mestisang aktres kung ipagpapatuloy pa nito ang relasyon sa matangkad na aktor. Hindi magugulat ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kung isang araw ay mabalitaan na lang natin na nakipaghiwalay na ang aktres sa karelasyon nitong aktor.

Leave a comment

Leave a Reply