
Sheryl Cruz denies rumor about Senator Grace Poe as her ‘sister’
Aware si Sheryl Cruz na malakas ang impluwensya ng internet sa mga kabataan ngayon, partikular na ang mga social networking sites, kaya very vigilant daw siya sa kanyang anak sa mga isini-share nito sa sa internet.
“Nakatutok talaga ako. Sa panahon kasi ngayon, you will really never know kung ikaw ang susunod na mabibiktima ng mga walang magawa, ‘di ba? I always told Ashley [ang unica hija ni Sheryl] what not to post sa internet. Talagang nakabantay ako,” pahayag ng aktres. Dagdag pa niya, “Inaalam ko rin kung sino-sino ang mga kaibigan niya. And as much as possible ako ang sumasama sa mga school activities niya. Ganoon ako ka-stage mother!”
Tinawanan na lang uli ni Sheryl ang isyu na ang ina niya na si Rosemarie Sonora ay ang nanay din ni Senator Grace Poe. “Naku, alam n’yo naman sa politics, talagang kung ano-ano ang gagawin. Ganoon talaga ang politika,” aniya.
Sa ngayon abala si Sheryl sa teleseryeng ‘Buena Familia’ sa GMA 7. “Siyempre, masaya at thankful ako sa GMA na binibigyan nila ako lagi ng projects. Pero freelancer ako, wala akong exclusive contract sa kanila,” aniya.
May mga offers din daw siyang gumawa ng indie films. “Pero kung tatanggap man ako, I have to make sure na maganda talaga ang istorya. Kung very daring? Why not, basta talagang hinihingi sa istorya at ‘yung magmamarka talaga,” aniya. Masaya ring ibinalita ni Sheryl na sikat na sikat ngayon sa Japan ang kanyang awiting ‘The Last To Know’ na inawit at isinalin sa Nippongo ng Japanese singer na si Lucy Nishikawa, ‘Hitori Bochi’ ang Japanese title nito.
“Siyempre, masarap sa pakiramdam na tinangkilik yun sa Japan,” masayang sabi pa ng aktres.
Ang naturang awitin ay nakapaloob sa album ni Sheryl na ‘Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin’, at isa ‘yon sa tatlong original compositions niya.
“I enjoy writing songs. Iba kase pag nai-express mo ‘yung sarili mo sa pamamagitan ng mga kanta,” aniya.
Marahil marami ang hindi nakakaalam na mahusay tumugtog ng piano si Sheryl. Personal naming nasaksihan iyon nang minsan kaming bumisita sa kanilang tahanan. Binigyan niya kami ng solo performance!