May 25, 2025
Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao vows to retire from politics after term ends in 2016
Home Page Slider Latest Articles

Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao vows to retire from politics after term ends in 2016

Jul 20, 2015

By PSR News Bureau

Landowners welcome Vice Governor Jinkee

Nang aming makapanayam si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquaio, sinabi nitong kung siya ang tatanungin, wala naman talaga siyang interes sa politika. Aniya, pumasok lang siya sa mundo ng politika dahil gusto niyang may maganap na pagbabago sa sistema ng politika sa kanilang lugar.

Pero wala na raw siyang balak pang tumakbo sa susunod na eleksyon. “Sapat na ang isang politician sa aming pamilya. Gusto konaman pagtuunan ng pansin ang aking pamilya. Mabilis lumaki ang mga bata, ayokong dumating yung araw na magugulat ako na hindi na ako nakapaglaan ng panahon para sa kanila,” pahayag  ni Vice Governor Jinkee Pacquiao.

Pagmamalaki pa ni Vice Gov. Jinkee, magmula raw nung pumasok siya sa politika, hindi daw niya kinuha ang kanyang sweldo. “It goes to the solicitations flooding my office,” kuwento pa niya. Hindi raw siya nahuhumaling sa pulitika at sa anumang posisyon. Ang gusto lang daw niya ay mapanatili ang kaayusan sa kanilang partido. Saad niya, “My role was just to maintain the unity and stability of the party [People’s Champ Movement]. I’ve done my part so I’m leaving politics for good.”

Napagdesisyonan na raw nilang mag-asawa na ilipat na nila ang kanilang apat na anak sa kanilang probinsiya mula sa prestihiyosong paaralan nitong Brent International School. Ayon kay Vice Gov. Jinkee, mas gusto daw ni Pambansang Kamao na maranasan ng kanyang mga anak na sina Emmanuel Jimuel Jr., 14, Michael Stephen, 13, Mary Divine Grace, 8, at Queen Elizabeth, 6, ang kanyang pinagdaanan noon na namuhay sa hirap sa General Santos City.

27C6258400000578-0-image-a-43_1429520863518

Naka-enroll na ngayon ang apat sa Hope Christian School sa GenSan. Nakapag-adjust na rin daw ang mga ito sa buhay probinsiya at maganda naman ang naging performances ng mga ito sa kanilang eskuwelahan. Kuwento pa ni Jinkee, “They’re doing fine. They’re not having any difficulties and they have adjusted easily.”

Leave a comment

Leave a Reply