May 24, 2025
Rocco Nacino thanks his skin color for clinching good roles
Faces and Places Latest Articles T.V. Uncategorized

Rocco Nacino thanks his skin color for clinching good roles

Jul 22, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Rocco-Nacino-71 Halos walang pahinga ngayon sa trabaho si Rocco Nacino. Bukod sa “Sunday All Stars” at taping para sa bagong soap ngt GMA 7 na “Beautiful Strangers” kung saan kasama niya sina Lovi Poe at Heart Evangelista, malapit na ring umere ang sinalihan din niya noon na talent search, ang Starstruck kung saan magiging co-host siya ni Megan Young. Magkakasunod din ang kanyang pelikulang ginagawa. Kaya naman pakiramdam ng aktor ay sobrang blessed siya.

“Kakatapos ko lang ‘yung movie with Solenn (Heussaff) na ‘Fruit Sand,’” aniya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa Sunday All Stars.

“It’s about the life of the people sa fruit sand sa La Union. So it’s a very chill movie. Tapos ‘yung isa ay ang ‘Mabalasik.’ Kasama ko naman dito si Aljur (Abrenica).”

Magsisimula na rin siya ng shooting para sa pelikulang “Lakambini.” Bida naman rito ang girlfriend niyang si Lovi Poe at makakasama rin nila sa cast si Paolo Avelino.

“Nag-story conference na kami recently and it went really, really well, Nag-costume fitting kami. Ako ang gaganap na Andres Bonifacio. Si Lovi naman ang gaganap bilang Gregoria de Jesus and then si Paolo naman will play as Julio Nakpil.”

plumaIkalawang beses na niyang mag-portray bilang isang bayani. Before ay gumanap na rin siya bilang Jose Rizal sa isang special feature ng GMA.

“Thank you for my color!” nangiting sabi ni Rocco. “Malaking bagay yung kulay ng balat ko sa pagkakapili nila sa akin to portray such important roles.

Dati parang nai-insecure ako sa pagiging moreno ko. Now nakita ko kung gaano kalaking advantage ng may ganitong kulay. Kinaiinggitan ng ibang tao pala yung ganitong moreno. Kaya sabi ko… wow!”

“May mga foreigners na nagsasabi sa akin… ‘I like your color, it’s very exotic.’ I have learned to embrace it talaga. At saka ang laking tulong sa pagkuha ng mga projects. Dahil Pilipinong-Pilipino ‘yung hitsura ko,” kuwento pa ng aktor.

“Sobrang nagpapasalamat nga ako sa mga roles na nai-portray ko tungkol sa mga very important people. Na bukod sa role ni Rizal at Bonifacio nga, nag-Pedro Calungsod pa ako.”

Kahit si Lovi ang bida sa ‘Lakambini,’ isang makabuluhang project daw ang tingin ni Rocco sa pelikulang ito.

“Lakambini is the story of Gregoria de Jesus. It’s a story about women empowerment. And itina-target na kapag natapos nas ang movie ay magkaroon ito ng special premiere for Women’s Month. And for me and Paulo (Avelino na kasama rin nila sa cast), it’s a great thing to be part of it.

Napakalalim ng story. Very well-researched.”

“And aside from that, ‘yung lovestory nina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. At kung paano siya (Gregoria) nag-move on at nag-meet sila ni Julio Nakpil. It’s a reunion project para sa amin ni Paolo. And it’s nice. Na-miss ko si Pao. Nakakatuwa and I’m very motivated sa mga scenes na gagawin namin together.”

Unang nagkasama sila ni Paolo sa indie film na “Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.” Excited daw siya na muling makatrabaho ang gaya niya ay isang Starstruck alumnus din.

“Noong story conference ng ‘Lakambini,’ mahaba ‘yung kuwentuhan namin kasi parang kapatid siya ni Lovi kay Tito Leo (Dominguez, manager ni Lovi).So kapag may gathering, nagkakasama rin kami. We talk a lot,” kuwento pa ni Rocco.

gregoria

Ang layo na rin ng narating ni Paolo mula nang umalis sa GMA 7. Sinasabi na tama lang nga raw ang naging desisyon nito na lumipat sa ABS CBN. Anong masasabi mo rito?

“Oo. Siguro. Tamang timing lang naman ‘yon, e.”

Malayo na rin naman ang narating niya bilang isang Kapuso actor.
“Of course.”

Pero kung sakali, maengganyo kaya siyang lumipat sa ibang network kapag may dumating na mas magandang offer?

“Mahirap, e. Kasi homegrown talent ako e. And napakalaki ng utang na loob ko sa GMA sa lahat ng projects na ibinigay nila sa akin. So I don’t think it will be that easy na makakalas ako sa GMA. Parang ano… I have my loyalty.”

Leave a comment

Leave a Reply