May 24, 2025
Senator Jinggoy Estrada allowed to visit his ailing mother-in-law
Latest Articles

Senator Jinggoy Estrada allowed to visit his ailing mother-in-law

Jul 24, 2015

By PSr News Bureau

Senator-Jinggoy-Estrada-182x300 Katulad ng kanyang kaibigan niyang si Sen. Bong Revilla Jr., pinahintulutan din ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada na madalaw at makumusta ang kanyang mother-in-law na may karamdaman. Naghain ng mosyon ang senador sa ngalan ng “humanitarian considerations” para kanyang madalaw ang biyenan na kasalukuyang nagpapagaling sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. Kritikal ang kondisyon ni Gng. Estelita Vitug, ina ng kanyang maybahay na si Precy Ejercito. Ikalawang beses ng na-stroke si Gng. Vitug kaya’t kasalukuyan itong nasa Intensive Care Unit (ICU) ng nasabing pagamutan.

Ayon pa sa resolusyon ng Sandiganbayan hinggil dito, 9 A.M. hanggang 12 noon ang ibinigay na palugit kay Senator Jinggoy para sa pagbisita niya sa biyenan na naka-confine sa St. Luke’s.

Ang senador din ang pinagbayad ng lahat ng ginastos para sa kanyang paglabas at pagbalik sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, kung saan siya nakaditena.

Si Senator Estrada ang isa sa tatlong senador na nakasuhan ng plunder matapos masangkot sa diumano’y pagkamal ng pondo mula sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel. Ang dalawa pa ay sina Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Nagkakahalaga diumano ng P183.79 million ang natanggap na kickback ni Senator Estrada mula sa pakikipagtransaksiyon niya kay Janet Lim-Napoles.

Janet-Napoles-Senate-hearing

Si Janet ang negosyanteng nagmamay-ari ng JLN Corporation, na diumano’y nangangasiwa ng pagtayo ng pekeng non-government organizations (NGOs) na tumatanggap ng pondo mula sa PDAF ng mga sangkot na mambabatas.

 

Leave a comment

Leave a Reply