June 6, 2025
Mark Anthony Fernandez finds a new love
Home Page Slider Latest Articles

Mark Anthony Fernandez finds a new love

Jul 24, 2015

By PSR News Bureau

hqdefaultHindi ikinakaila ni Mark Anthony Fernandez na tumigil siya ng ilang araw sa mismong puntod ng kanyang namayapang ama na si Rudy Fernandez. Nangyari ito noong mga panahong depressed na siya at kinailangan niya ang kalinga ng kanyang ama. “Mga three days lang ako sa mauseleum ni Papa tapos noon, umalis na rin ako nung makahanap na ako ng matitirahan,” paliwanag ni Mark sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). Sa ngayon nga ay naninirahan na si Mark sa isang condominium unit sa Angeles City.

Mas maaliwalas na rin ang mukha ni Mark kung ikukumpara noong huli namin itong nakita. Hindi naman itinanggi ng aktor na may bago na rin siyang inspirasyon ngayon sa katauhan ng isang modelo na ang pangalan ay Diana. Matagal na panahon na rin naman magmula ng magkahiwalay na ng landas si Mark ant ang dati nitong asawang si Melissa Garcia na ina ng dalawa niyang anak na sina Grae Fernandez, 13, miyembro ng grupong Gimme 5 at ang isang taong si Rudolph.

Ayon kay Mark, maayos naman ang pakikitungo nila ni Melissa sa isa’t-isa. Palagi silang may komunikasyon lalo’t may mga anak sila. Alam nga rin daw ni Melissa na mayroon siyang nobya sa ngayon. “Ang mahalaga ay okay kami ng ex ko sa mga bagay-bagay. Para na rin sa mga bata,” ani Mark.

11195835_1386079531721283_1472006_n

Itinuturing naman ni Mark na soulmate ang kasalukuyang nobya. Isang common friend daw ang nagpakilala sa kanya sa 23-year-old na modelo na siyang nobya niya ngayon. Unti-unti na rin daw inaayos ni Mark matapos niyang dumaan sa mga matitinding pagsubok sa kanyang personal na buhay. Sabi pa ni Mark, nalulungkot siya na malapit ng magtapos sa ere ang seryeng“Let The Love Begin,” kung saan kabilang siya sa mga bituin. “Siguradong mami-miss ko yung samahan namin doon. Napamahal na ako kina Ai Ai, lalo na kay Gladys Reyes. Naging kaibigan ko silang lahat. Sana magkaroon muli ng pagkakataon na makatrabaho ko sila,” sabi ni Mark.

jeric-raval1-300x336Pagkatapos ng nasabing serye, sisimulan naman ni Mark ang “Manila’s Finest,” na pagsasamahan nila ng comebacking action star na si Jeric Raval.

Leave a comment

Leave a Reply