May 24, 2025
SONA 2015 Fashion: Red carpet dress and attires
Home Page Slider Latest Articles

SONA 2015 Fashion: Red carpet dress and attires

Jul 27, 2015

Compiled by PSR News Bureau

Tulad nang nakagawian, espesyal at nagbobonggahan ang mga kasuotan ng mga bisita sa State of the Nation Address [SONA] pati na ang mga pulitiko. Gaya ng isang awards night bilang isang showbiz gathering, inaabangan ng marami ang SONA upang masilayan ng nakararami ang kanilang mga hinahangaang pulitiko at ilang taong kinikilala sa lipunan kabilang na ang ilang artista. Kung minsan ay hinahangaan ang kasuotan ng mga ito, kung minsan naman ay pinupulaan ng mga fashionista. Narito ang ilan sa kanila:

[metaslider id=13855]
Kung noong huling SONA kung saan ay isinuot niya ang mala-Shrek inspired na gown na inulan ng kabi-kabilang batikos, isang simpleng electric blue gown na ginawa ni Randy Ortiz ang ngayon ay suot ni Senador Nancy Binay. Base sa mga komento sa social media, ang nasabing gown ay tinawag na “boring” ng ilan. Yung iba naman ay binatikos pa rin si Sen. Binay dahil hindi daw umano ito ‘makita’ sa kulay asul na gown niya. Ayon naman mismo sa Senador sa isang panayam sa kanya, “Feeling ko whether or not maganda yung suot ko, yung bashers ko will still bash me.”

Ang kapatid naman ng pangulo at Queen of All Media na si Kris Aquino ay nakasuot ng isang powder blue gown na gawa mula sa pinya callada fabric mula sa Lumban, Laguna na inspired sa isa niyang bags na mayroong intricate designs at ginawa ni Michael Leyva.

Si Bureau of Internal Revenue [BIR] commissioner Kim Henares naman ay nakasuot ng isang Filipiniana style na gown. Nagkibit-balikat lang ito nang matanong kung sino ang gumawa ng kanyang gown.

Si Taguig Mayor Lani Cayetano naman ay naka-Filipiniana rin na gown na embroidered at with touches of light green.

Senador Loren Legarda did not spend a single cent sa kanyang kasuotan para sa SONA. Katulad ng nakasanayan na ng senadora, Legarda supports local indigenous people as seen on the fabric she’s wearing. Kahit daw ang kanyang bag ay recycled.

Senator Pia Cayetano looked gorgeous in her blush brocade gown with black pearls.

Senator Cynthia Villar naman wore a calladoed fuchsia gown with kimono embroidered with all shades of pink thread by Nolie Hans.

Actress Heart Evangelista, wife of Senator Francis “Chiz” Escudero looked elegant and classic at the SONA red carpet with her white Inno Sotto gown. Her gown perfectly went well with Senator Chiz Escudero’s Paul Cabral creation. The senator looked every inch a dapper.

Actress Dawn Zulueta also looked stunning in her white gown with husband, Congressman Anton Lagdameo.

Isang simpleng white Filipiniana gown with light blue bugle beads din ang piniling kasuotan ni Senator Grace Poe.

Maging ang mga kalalakihan gaya nina dating senador na si Alfredo Lim ay hindi nagpahuli sa kanilang gayak sa suot nitong barong Tagalog. Nakasuot din naman ng isang simpleng barong si Sec. Joel Villanueva.

Si Senador Juan Edgardo Angara naman ay nakasuot ng ecru colored na barong kasama ang kabiyak nitong si Tootsie na nakasuot naman ng mala-silk na fabric terno. Ang Congressman naman na si Lino Cayetano ng Taguig ay naka-barong din kasama ang asawa nitong volleyball player na si Fillet Cainglet-Cayetano na naka-salmon pink na terno naman.

Ilan lang sila sa mga nasilayan nating personalidad sa SONA red carpet para sa huling SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.

Leave a comment

Leave a Reply