May 23, 2025
Daniel Padilla confirms that he’s the guy on the ‘vaping’ viral video
Latest Articles This is it!

Daniel Padilla confirms that he’s the guy on the ‘vaping’ viral video

Jul 29, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Sa isang interview kay Daniel Padilla ay nagbigay na siya ng reaksyon tungkol sa viral photo niya na nahuli siyang naninigarilyo.

daniel-padilla-vaping

“Hindi yosi ‘yun. Hindi rin ‘yun droga. Vapor po ‘yun. Hindi naman ako nag-yosi, talagang vape lang. Hindi ko naman lahat sinasabi mag-vape na pero siguro tayo namang tao, may mga sariling buhay din naman tayo. May mga sarili tayong gusto,” sabi ni Daniel.

[divider]

Robi Domingo found his niche in TV hosting

101113_RobiDomingo

Ang husay-husay na talaga ngayon ni Robi Domingo when it comes to hosting. Gamay na gamay niya na ang pagho-host. Lutang na lutang nga siya bilang isa sa hosts ng “ASAP” at “The Voice Kids Philippines 2015.” Hindi lang kasi siya rito basta nagho-host kundi nagpapatawa pa, para hindi boring ang dating niya bilang host. At hindi rin pilit ang pagpapatawa niya, huh! Natural comedian din ang gwapong bagets na produkto ng Pinoy Big Brother.

Halos pareho ang hosting style nina Robi at Luis Manzano na hinahaluan nila ng comedy. Pero para sa amin, mas magaling si Robi. Si Luis kasi, pilit ang pagpapatawa. May times talaga na hindi kami natatawa sa kanya unlike Robi na sa bawat banat niya ng comedy ay natatawa kami sa kanya.

[divider]

Blind Item: Comedian shows inappropriate attitude towards her factotum

Tooto kaya itong nakarating sa amin na hindi maganda ang pakikitungo ng isang komedyana sa kanyang alalay? Na kapag nagkakamali raw ito o nali-late ng dating sa kanilang bahay ay tinataasan niya ito ng boses at minumura pa. Sino si komedyana? Napapanood siya sa isang gag show.

Leave a comment

Leave a Reply