
Kobe Paras caught Brian Shaw’s attention
By Justin Pisueña
Brian Shaw ay isang retired American professional basketball player at dating head coach ng Denver Nuggets ng NBA. Nag-champion siya ng limang beses bilang manlalaro at bilang assistant coach ng LA Lakers. Dalawang bagay lang ang nakatawag ng kanyang pansin sa mga Pinoy, ito ay ang pagiging passionate natin sa paglalaro ng basketball at si Kobe Paras.
Si Shaw ay nandito sa Manila ngayon para sa NBA Fit Week at nagsalita ito ukol sa nakikitang bright future nito kay Paras.
“I know right now there’s a lot of buzz in LA on a young player that’s going to attend UCLA next year Kobe Paras,” ani ni Shaw sa mga reporters bago pa ang NBA Clinic noong Huwebes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.
“Players like that, young players that have had the opportunity to look at NBA stars and watch a lot of basketball, it’s helped him now and he may be with that next wave of stars or that next star that comes from here that may break through and get to the NBA,” dagdag nito.