May 24, 2025
Barbie Forteza says she wants to be courted the traditional way
Latest Articles

Barbie Forteza says she wants to be courted the traditional way

Jul 30, 2015

gerry@ocampo

By Gerry Ocampo

a_look_at_barbie_forteza_a_look_at_barbie_forteza_1340614409Sa birthday presscon ni Barbie Forteza na handog ng GMA Artist Center sa dalaga ay buong ningning na inamin nitong wala siyang balak magdiwang ng bonggang kaarawan. Kung ang ibang young star kapag dumarating ang kanilang 18th birthday ay todo plano sa kung anu-ano ang mangyayari at ultimo isusuot na damit nilang pang-debut ay pinaghahandaan din.

Pero iba nga si Barbie sa kapwa niyang teenager dahil mas pinahahalagahan niya ang hirap ng pinagkakitaan. Kaysa nga naman gumastos raw ng sobrang laki para sa kanyang 18th birthday ay ilalaan na lang daw niya sa mga kapus-palad na nilalang ang perang magagastos sa isang araw na pagdiriwang.

Sa birthday presscon na rin ni Barbie, nakiusap ito sa entertainment press na tulungan siyang maipaabot sa mga tao na laging handang tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan ang kanyang ‘Adopt A Room Program’ ng Philippine Children’s Medical Center. Sa katunayan ay may on-going na renovation na isang room na in-adopt ni Barbie sa tulong ng GMA Artist Center.

“Ilalagay ang donation box sa mezzanine ng GMA building at nag-invite ako ng mga fans, mga kaibigang kong artista at yung ibang tao na mag-donate ng kahit na ano’ng goods hanggang August 5. Hindi po cash ang tatanggapin namin. Para sa mga bata ito at para maisama sa celebration ko sa PCMC, sa August 6. Patulong naman po sa inyo,” pakiusap ni Barbie.

Sa July 31 pa talaga ang birthday ni Barbie pero binigyan na nga siya ng advance birthday greeting ng Kapuso Network last Tuesday. At muli niyang iginiit na ayaw nga niya ng bonggang celebration pero wala siyang magawa dahil regalo sa kanya ng home network ang naturang birthday presscon.

Dahil ganap nang dalaga si Barbie ay ipinagkatiwala na raw ng magulang ang ilang responsibilidad sa trabaho.
“Malaking bagay po sa akin yun dahil nagtitiwala na sila [parents niya] sa akin. Feeling nila na mature enough na ako para ibahagi nila yung tungkol sa schedules ko, legal matters. Unti-unti nila ipinapaliwanag sa akin. Pagdating naman sa personal kong buhay, so far wala pa naman nagbabago.”

So, wala pa raw siyang naging boyfriend kahit M.U. man lang. Si Derrick Monasterio na dating na-link sa kanya at napabalitang pumoporma ay wala daw hanggang pagiging magkaibigan lang daw ang pagiging close nila.

“Friends lang po, saka may girlfriend na siya, di ba?,” sabi ni Barbie patungkol kay Derrick.
Nang banggitin naman ang pangalan ni Miguel Tanfilix na balitang nanligaw din sa kanya.
“Wala po, kaya nga wala na siya sa picture,” patungkol ni Barbie kay Miguel.

Gusto daw kasi ni Barbie na maging manliligaw ay yung pupuntahan siya sa kanilang bahay at ipagpapaalam sa magulang kung anuman ang gusto or balak ng guy sa kanya.

Di raw niya type yung pa-text-text lang at palipad hangin. Maganda raw umakyat sa kanilang bahay kung manliligaw. Makaluma raw kasi siya at kung wala raw talagang makapasa sa panlasa niya ay wala siyang magagawa.

Leave a comment

Leave a Reply