Alden Richards overwhelmed by the hit chemistry between him and Yaya Dub
By Oghie L. Ignacio
Matagal na rin ang huling telebabad show ni Alden Richards sa Kapuso Network pero bakit hanggang ngayon daw ay wala pa siyang bagong programang ginagawa sa nasabing istasyon.Matagal na rin ang huling telebabad show ni Alden Richards sa Kapuso Network pero bakit hanggang ngayon daw ay wala pa siyang bagong programang ginagawa sa nasabing istasyon. Hindi ba naaalarma ang guwapong young actor at naiisipang lumipat sa kalabang network ng GMA 7 ang ABS-CBN 2?
“Wala naman po akong planong gano’n,” bungad ni Alden minsang mapasyal ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa “Eat Bulaga” a week ago nang makita siya’t sumilay ang matatamis niyang ngiti.
“Alam ko namang hindi ako pababayaan ng GMA 7. Handa akong maghintay at hindi ko kailangang mainip. Besides, marami naman akong TV guestings. So, okay lang ‘yon,” aniya pa.
“Hangga’t gusto ako nila [GMA 7] ako ay walang dahilan para umalis ako. Nasa kanila ang aking loyalty. Siyempre, hindi lang naman ako ang inaalagaan nila. Marami kaming talents nila di ba? Basta ako narito lang at maghihintay sa gusto nilang ibigay na show sa akin. Kaya wala akong problema sa Kapuso Network,” katuwiran pa nito sa amin.
Magkagayunman ay biglang lalo pang umangat ang career ni Alden dahil sa pagli-link sa kanila ng pinasisikat ngayong si Yaya Dub ng “Eat Bulaga” sa “Juan For All, All For Juan, Bayanihan of The Pipol” sa “Problem Solving” segment kung saan may drama pa sila ng huli na agad nag-klik sa televiewers kaya naging instant loveteam ang dalawa na kinababaliwan ngayon ng masang Pinoy.
“Well, I’m so thankful sa mga taong na-appreciate ‘yung ginagawa namin ni Yaya Dub. Kahit ako naman po hindi ko ini-expect na magiging ganu’n ang outcome ng tandem naming dalawa. Iba talaga magpasikat ang “Eat Bulaga,” that’s why I’m very happy na maganda ‘yung reception sa amin ng mga tao,” katuwiran pa sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ng mas gumuwapong young actor.
Kaya tuwing tanghali’y inaabangan na talaga ang kuwento sa pag-uugnayan nina Alden at ni Yaya kung saan naging malaking banta sa kalaban nilang noontime show ang kanilang segment dahil mas lalong hindi raw nakahabol sa taas ng ratings ng “Eat Bulaga” ang “It’s Showtime” nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Ryan Bang, Anne Curtis & Co. via ABS-CBN 2 dahil lahat ng TV sets ay nakatutok sa mala-telenobelang drama nitong sina “Yaya’t Alden nga na kinakikiligan ng manonood.
“It’s flattering na ganu’n na pala ang pagtanggap sa amin ng televiewers. Hindi talaga namin expected na ganito ang mangyayari sa amin ni Yaya Dub. Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng taong natutuwa, kinikilig at gustung-gusto an gaming tandem. Para sa kanilang lahat ang ginagawa naming pagpapasaya,” nakangiti pa niyang pahayag.
Posible naman kayang magkatotohanan silang dalawa kung sakali at ma-develop ng tuluyan si Alden kay Yaya Dub na mabilis ang pagsikat lalo na ng maiugnay sa kanya at biglang nag-blend ang chemistry nilang dalawa.
“As what I’ve said earlier po, talagang hindi ko iniisip na magiging ganito kainit ang pagtanggap sa amin ng televiewers kaya masayang-masaya kami ni Yaya. Pero du’n sa ano…kung magkakadebelopan kami, I think, it’s too early to tell pa e. Basta sa ngayon ini-enjoy pa namin ng husto ‘yung ginagawa naming dalawa sa show,” pagtatapos pa ni Alden sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).