“Gabbi Garcia is very special to me, but there’s nothing to admit yet.” – Ruru Madrid
Isa si Ruru Madrid sa hanay ng mga kabataang aktor ngayon ang kinakitaan ng husay na pag-arte sa pelikula at telebisyon. Patunay ay ang nagawa niyang pelikula dati ang “Bamboo Flowers” at itong huling nilabasan niyang telebabad sa GMA 7 ang “Let The Love Begin” kung saan ibinida ang tambalan nila ni Gabbi Garcia na kasali rin sa “InstaDad.”
Balitang nahulog daw masyado ang loob ni Ruru sa maganda niyang leading lady kaya’t napaka-espesyal nito para sa kanya hindi lang bilang kaibigan at kapareha. May malalim na nga bang samahan sa pagitan ng dalawa?
“Well, I would say po na talagang naging special ‘yung samahan namin ni Gabbi,” bungad ni Ruru ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “But it dosen’t mean naman na may mas malalim pa gaya ng iniisip ng iba. Siguro ‘yung lalim ng friendship naming dalawa ay ‘yung pagiging comfortable namin sa isa’t-isa at mas naging close kami. Nasa ganu’ng stage palang kami,” nangingiti pang sambit ni Ruru.
Kung ganu’n ay hindi pa niya masasabing puwedeng maging sila ni Gabbi kahit ang totoo’y madalas daw silang nakikitang lumalabas on a date o kaya’y nagdi-dinner na dalawa. Gusto ba nilang paikutin ang sinumang reporters na nakakaalam at nakakakita sa kanilang paglabas-labas?
“Yeah! It’s true po na talagang lumalabas kami ni Gabbi basta hindi kami busy at may time kaming pareho. We’re going out for dinner. Pero hindi kami lang dalawa. May mga kasama kaming non-showbiz friends at kasama ang family niya, pero hindi para paikutin ang press people,” paglilinaw pa ni Ruru sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “And I don’t see anything wrong naman with that. Kasama naman ang relatives niya. And as what I’ve said earlier lumalabas man kaming dalawa kasama ang pamilya niya,” paulit-ulit na pahayag pa ng guwapong young actor.
Talagang wala pa sa plano nila ni Gabbi ang maging sila kung hindi ang gasgas na gasgas nang linya ng mga young ones na tulad nilang ‘We’re just friends’ ang lagi nilang sasabihin kahit ang totoo’y may espesyal na bahagi sa kanyang puso ang magandang young actress.
“Alam n’yo po, I never denied the fact na ano…talagang special sa akin si Gabbi. Pero hindi ko pa rin masabi kung nasa mas malalim na bang stage ang samahan namin. Nag-i-enjoy palang kami sa magandang friendship naming dalawa. Mahirap naman kasi ‘yung ano…masyado kaming magmadali lalo na kung hindi talaga tayo sure sa magiging destiny natin di ba?,” katuwiran pa niya.
“Kahit ano pa ang isipin ng iba sa amin ngayon ni Gabbi ay wala pa talaga kaming dapat na sabihin regarding our closeness. And if ever na mapunta man kami sa serious matter na gaya ng iniisip nila never naman kaming magsisinungaling. Basta as of this moment we’re very happy sa samahan namin. That’s it,” dagdag pahayag pa niya.
Sa natapos na nilang telebabad na “Let The Love Begin” sa Kapuso ay meron na bang bagong programang kasunod itong si Ruru o baka matulad daw siya sa ibang GMA Artists na matagal na nabakante at natengga sa trabaho?
“Hindi ko pa po alam e. Ako naman, lagi lang handa na maghintay. Basta kung ano ang ibibigay nila sa akin na magandang TV project, ipagpapasalamat ko ‘yun sa kanila. Actually, nakaka-miss nga ‘yung mga nakatrabaho ko ro’n lalo na si Mama Ai Ai (delas Alas) na talagang laging binubusog kami sa masasarap na pagkain,” pagwawakas pang pahayag sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ni Ruru.