May 24, 2025

roldan@castro

By Roldan F. Castro

interphoto_1375709095

Maraming nag-aakala at nagsasabi na marumi raw ang mundo ng showbiz. Well, maling-mali sila. Hindi monopolized ng entertainment industry ang gulo at iskandalo. In fact, kahit saan naman ay may gulo at sigalot. Hindi pa man nagsisimula ang kampanya ay kaliwa’t kanan na ang tapunan ng putik sa mundo ng mga pulitiko. Kahit saang coffee shop na tambayan ng mga showbiz celebrities at reporters, hitik na hitik sa usapang pulitika. Madaming kuwento, madaming tsika at maraming tsismis na ipinapakalat. Pero sa totoo lang, sadyang kuwentong kutsero lang ang lahat.

Halimbawa na lang ang isang umiikot na kuwento na halata namang hinabi ng imahinasyon ng mga malilisyosong isip ang tungkol sa unica hija ng King and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Susan-Roces-and-Fernando-Poe-Jr

Napapabalita kasi ang pagtakbo ni Senator Grace Poe sa 2016 election bilang Pangulo ng Pilipinas, kaya’t ngayon pa lang ay target na siya ng mga paninirang puri na pinapakalat ng mga kalaban niya. Isa sa mga gawa-gawang kuwento ng mga taga-suporta ng mga posibleng makakalaban ni Senator Grace ay pagiging lasengga daw nito, na nambugbog daw ito ng dating kasambahay, na maiinitin daw ang ulo nito, at dati na raw itong ipinasok sa drug rehab.

Tawa kami ng tawa nang marinig ang mga tsikang ito. Mga ateng, mga adik ba kayo? O baka naman kayo ang lasing? Nakakaloka, hindi ba? Anong klaseng gimik naman ito? Waley na waley talaga! Sino naman kaya ang gustong lokohin ng mga pakawala ng ibang kampo? Nung una akala namin eh sobra sila sa imahinasyon para magpapakalat ng ganitong walang basehang akusasyon, pero naisip ko salat pala sila sa pag-iimbento. Tigilan na yan, please lang!

Alam namin na maayos ang pagpapalaki nina ‘Da King’ at Tita Susan kay Senator Grace. Lumaking mabait, magalang at mapagkumbaba ang senadora. Mahirap magtapon ng putik kung hindi naman totoo. Hindi kayang buwagin ng mga tsismis lang ang mabuting pagkatao ni Senator Grace.

Noon, ganito rin ang ginawa sa yumaong FPJ nang siya ay tumakbo sa pagka-presidente noong 2004. Ngayon, yung anak naman niya ang tina-target. Dahil ba galing sila sa showbiz? Dahil ba popular sila sa publiko? Dahil ba mahal sila ng masa?
Sana nga matuloy na sa pagtakbo si Senator Grace para magkahusgahan na. Tingnan natin kung sino ang may huling halakhak.

Leave a comment

Leave a Reply