
Claudine Barretto admits past relationship with Eric Fructuoso
By Rommel Placente
Noong teenager pa lang si Claudine Barretto ay nakarelasyon pala niya ang dalawang miyembro ng grupong Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso. Ang alam lang ng publiko ay yung naging relasyon ni Claudine kay Mark Anthony pero ngayon lang niya inamin sa publiko na maging si Eric Fructuoso pala’y nakarelasyon niya. Ito ang inamin ng aktres kay Vice Ganda sa guesting niya sa show nitong Gandang Gabi Vice nung Linggo, August 2.
Marami ang nagulat sa rebelasyon na ito ni Claudine at isa na rito si Vice. Ang pagkakaalam kasi ng publiko ay si Mark lang ang naging boyfriend ng nakababatang kapatid ni Gretchen. Wala naman kasing inamin noon si Claudine na naging sila ni Eric. Biro pa nga nito na isa na nga lang na miyembro at makukumpleto niya na ang Gwapings. Tanging si Jomari Yllana ang hindi niya naging boyfriend na miyembro rin ng Gwapings.
[divider]
GMA 7’s recent Grand Fans’ Day, a flop?
Flop pala ang Grand Fans’ Day ng Kapuso network na ginanap sa MOA kamakailan. Hindi napuno ng fans ang venue. 60% lang ang attendees. Ang nagsabi nito sa amin o ang aming reliable source ay ang personal manager ng isang contract star ng GMA 7. Ipinakita pa niya mismo sa amin ang kuha niyang video na kasama sa isang production number ang kanyang alaga na kinukunan niya rin ang mga tao sa MOA na kokonti nga lang. Sabi pa nung manager sa amin, siguro raw kung si Vice Ganda ang nasa MOA, kahit ito lang daw mag-isa ang mag-show o mag-perform dun, sigurado raw mapupuno nito ang venue. Nagtataka nga lang daw siya kung bakit marami naman daw big stars ng Kapuso network ang dumating sa fans day, stiil hindi pa rin daw napuno ang MOA. Mas malakas daw talaga ang hatak sa tao ng mga Kapamilya talents kumpara sa mga artista ng GMA 7.