May 25, 2025
Dennis Trillo talks about his relationship with Jennylyn Mercado
Latest Articles

Dennis Trillo talks about his relationship with Jennylyn Mercado

Aug 7, 2015

roldan@castro
By Roldan Castro

2015_may11_show10 Bagamat hindi diretsahang umaamin si Dennis Trillo sa balikan nila ni Jennylyn Mercado ay game itong sumagot sa mga tanong tungkol sa kanila lalo pa’t na sobrang masaya siya ngayon. Masasabi rin niya na ‘love is lovelier the second time around’ ngayon.

Ngayon nasasabi mo na, dati naman hindi, di ba?

“Hindi..ganoon talaga,” tumatawa niyang pahayag sa presscon ng “My Faithful Husband” na magsisimula ngayong August 10 sa GMA Telebabad bago ang “Beautiful Strangers.”

Ano’ng pagbabago ang nakita niya kay Jen?

“Mas kalmado, mas masayahin. Nakakahawa ‘yung energy na ibinibigay niya sa set at sa mga katrabaho niya,” sabi ni Dennis sa presscon ng “My Faithful Husband.”

it_s_official__jennylyn_mercado_and_dennis_trillo_reunite_in__my_faithful_husband__1435824561

Ano naman ang pagbabago sa sarili niya?
“Mas naging maunawain sa mga bagay-bagay. Mas patient, mas napapahalagahan ko ‘yung mga ginagawa ko ngayon,” pakli ng Kapuso Drama King.

Gaano siya kasaya ngayon sa scale na 1 to 10?

“Ten siguro,” mabilis niyang sagot.

“Marami kasing magagandang nangyayari bukod sa maganda ang relasyon namin at may bagong show, sa takbo ng career ko, sa nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko, lovelife, lahat-lahat na,” deklara pa niya.

“Masaya, wala nang mahihiling pang iba,” dagdag pa niya.

Puwede na ba siyang magpakasal ngayon?

“Hindi pa po. Matanda na rin ako pero ayaw kong madaliin although alam ko po na maraming tao ang napi-pressure pagdating ng ganitong edad pero para sa akin, wala akong finish line na hinahabol. Hindi ako naka-time trial so relax lang ako. Kung kailan maramdaman at kung kailan kailangang gawin, saka ko gagawin. Pero sa ngayon, mas focus ako sa maraming bagay, sa pag-aalaga sa pamilya ko at sa mga kaibigan,” sambit pa niya.

Kumusta naman ang mga yakapan ninyo ni Jen sa pictorial ng “My Faithful Husband?”

“Matagal kaming hindi nagkatrabaho,eh. Hindi kami nakagawa ng mga ganoong eksena, ganoong pictorial so nakaka-miss din,” aniya.

Mas mainit ba ang yakapan ngayon?

“Mas mainit kasi dala na rin ng mas mainit na panahon. Kung magyakapan kami mas mainit talaga,” sambit ni Dennis.

Mas relax ba siya ngayon na kasama si Jennylyn?

“Siyempre, mas relax. Kapag masaya ka, kasunod na rin ‘yung pagiging relax mo,” malaman pa niyang pahayag.

Anyway, makakasama nina Dennis at Jennylyn sa “My Faithful Husband” sina Mikael Daez , Snooky Serna , Ricky Davao, Nonie Buencamino, Lloyd Samartino, Timmy Cruz , Rio Locsin, Kevin Santos , Jade Lopez, Jerald Napoles, Julia Lee , Jazz Ocampo , Aaron Yanga , Rexcy Evert at Louise delos Reyes.

Leave a comment

Leave a Reply