May 25, 2025
Ana Capri fulfills dream of working with Superstar Nora Aunor
Latest Articles

Ana Capri fulfills dream of working with Superstar Nora Aunor

Aug 7, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Staying power in the acting field.” Ito raw ang mas pinahahalagahan ni Ana Capri kaya hind siya gaanong mapili pagdating sa roles na kanyang tatanggapin. “Kahit maliit o maikling role lang basta may katuturan, okay na sa akin!,” masayang sabi niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

ana_capri(1)

“Happy naman ako sa takbo ng acting career ko ngayon. At least, hindi ako nababakante. Laging pagkakatapos ng isa ay may panibagong offer na pelikula at maging teleserye man.”

Dagdag pa ni Ana, “Katatapos ko lang ng “The Love Affair” sa Star Cinema which will be shown this August 12. Thankful ako na napasama sa cast ng project na ito at nagkaroong chance to work with Dawn (Zulueta), Richard (Gomez), and Bea (Alonzo). May isa pa ngang indie film akong gagawin kay Direk Louie Ignacio, ‘yung “Mga Isda Sa Tuyong Lupa.” Mommy naman ako ni Ron Ciero dito, ‘yung kapatid ni Coco Martin. Maganda. May twist. [yung story].”

“Kasi sa story, kami ‘yung mga taong nakatira sa tubig, ‘yung nasa tubig ang mga bahay? Tapos nag-migrate kami sa Pampanga. I think merong goal ‘yung pelikula na ma-open ‘yung awareness ng lahat na may mga nag-i-exist na ganoong minority tribe hanggang ngayon. Parang eye opener kung paano ‘yung ngiging buhay nila,” kuwento pa niya.

“Nagsimula na rin kaming mag-taping para sa bagong soap ng ABS-CBN na “All Of Me.” Kasama ko naman dito sina JM de Guzman, Yen Santos, Albert Martinez, Ina Raymundo, Angel Aquino, Aaron Villaflor, Jordan Herrera… marami kami. Mom ni Yen naman ang role ko rito. Sa story, ako ang nagbibigay ng strength sa kanya at guidance.”

Mid 30’s pa lang si Ana. Pero gumaganap siyang ina ng mga artistang parang kapatid lang niya sa totoong buhay.
“Well, that’s part of being an actress!” natatawang sagot ni Ana. “Kahit gawin pa nila akong 60 years old sa role ko, di ba? And ang challenge lang doon, kasi after the scene… kapag nag-uusap kami, akala mo magbabarkada lang.”

Tila nauuso na nga sa ngayon na pabata nang pabata ang mga gumaganap na magulang ng mga bidang youngstars. Gaya rin nga nina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria, gumaganap na ring ina ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa remake ng “Pangako Sa ‘Yo.”

Pangakosayo2015-titlecard

“Di ba? Parang… ‘yung mga bagets, tumatanda. Pero ang mga gumaganap na parents nila, pabata nang pabata,” pakli ni Ana.

She looks younger than her age. Ano ang sikreto na laging fresh at blooming pa rin ang kanyang beauty?

“Proper diet at exercise lang. At saka happy kasi ako ngayon sa buhay ko. Happy ako sa takbo ng trabaho ko,” sambit ni Ana.

Ilang beses nang napatunayan ni Ana na magaling siyang aktres. Ilang beses na siyang nanalong best actress. Kamakailan lang ay muli na naman siyang nakatanggap ng acting recognition. Ito ay sa Buhayani Film Festival na ginanap sa Laguna na pinangasiwaan nina Direk Maryo J. Delos Reyes at iba pang mga film critics.

“Film Festival siya para sa mga young filmmakers ng Laguna. Nanalo ako doon sa short film na ginawa ko kasama ang mga local actors,” kuwento niya.

Mula pa noong nagsimula siyang mag-artista, meron nang bucketlist si Ana ng mga artistang pangarap niyang makatrabaho.
“Sabi ko nga, basta makatrabaho ko sina Nora Aunor, si Christopher de Leon, si Maricel Soriano, at si Vilma Santos, chikabels na ako!,” pahayag niya.

Nagkaroon nga ito ng katuparan. Dahil kamakailan ay may offer sa kanya to work with Nora. Ito ay para sa indie film na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” to be directed by Joven Tan. Isang tomboy ang role ni Nora at si Ana ang gaganap na girlfriend nito.

“Siyempre kahit sino naman na maalukan na makatrabaho si Ate Guy, go agad! Kaya noong ini-offer sa akin ito, oo agad ang sagot ko. Nagpaalam pa ako sa taping ko for “All Of Me,” ‘yung bagong teleserye ng ABS dahil nataon na kasabay ang first shooting day nitong movie with Ate Guy.”
“Nagpaalam talaga ako na hindi makakapag-taping para makapag-shoot ng movie with Ate Guy. Para sa akin, isang magandang opportunity ito na hindi ko dapat palampasin. Actually, hindi ako nakaramdam ng kaba no’ng first shooting day namin. More of excitement ang nangibabaw sa akin,” kuwento pa ni Ana.

“Parang nagsilbing special motivation for me na si Nora Aunor ang ka-eksena at katrabaho ko. ’Yung mga nakunang scenes namin like ‘yung first time na natanggap ako ng anak niya bilang partner nga niya, less ang dialogues ko pero mabigat ‘yong karga. Hindi lahat ay nabibigyan ng chance to work with Ate Guy. Kaya thankful ako kasi working with her na isang institusyon na sa industriya, may mga matututunan ka, e.”

Aminado si Ana na na-starstruck siya at na-lost in thoughts nung unang beses niyang nakaharap si Nora.
“Umiral ang pagka-fan ko! Ha-ha-ha! Pero nung nagsimula na kaming magtrabaho, hindi ako na-intimidate. Napaka-simple kasi niya at ang bait kaya madali akong naging at ease. Lahat ng tao sa set, binabati niya. Very polite and down to earth,” nangiting sabi pa ni Ana.

Leave a comment

Leave a Reply