
Ken Chan gets his first acting break
Sino ang may sabing hanggang sa “Walang Tulugan With The Master Showman” na lang si Ken Chan at hindi na magtutuluy-tuloy ang career niya sa telebisyon? Nagkamali ang detractors niyang mapanghusga sa kanyang kakayahan dahil pinatunayan ng guwapong singer/turned TV actor na puwede rin siyang umiba ng linya gaya sa pag-arte sa harap ng kamera via “Healing Hearts” ng Kapuso.
“Masaya po ako sa malaking break na ibinigay sa akin ng GMA 7 sa “Healing Hearts,” bungad sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nitong si Ken. “Kaya pinagbubuti ko ang aking akting sa show naming ‘yun para hindi ako mapahiya sa kanila,” aniya pa.
“Hindi ko na lang pinapansin ‘yung negative comments ng iba. Mas gusto ko na puro positive ang laging isipin at i-entertain para mas maganda at mas ganado ako sa trabaho. Hindi ko rin siniseryoso ‘yung mga ganu’ng nega na sinasabi nila sa akin. Sabi nga less talk, less mistake,” nakangiti pa niyang pahayag.
Sa self-titled album ni Ken last year ay naka-duet niya ang Kapuso young actress na si Bea Binene. Ngayon naman ay dream niyang makaduweto at makasama naman sa pagkanta ang bidang babae sa “The Half Sisters” na si Barbie Forteza. Hindi kaya may espesyal siyang pagtatangi sa magandang dalaga kaya gustung-gusto niya itong makasabay sa pagkanta.
“Actually po, biniro ko si Barbie minsang magkita kami sa studio ng GMA 7. Sabi ko gusto ko siyang maka-duet. ‘Pag gumawa ulit ako ng aking sariling album at may nai-compose akong kanta na babagay sa aming dalawa sasabihin ko sa kanya para kantahin naming pareho,” kuwento ni Ken sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
“Okay naman sa kanya [Barbie]. And for me, love ko rin ang mag-compose ng sarili kong songs. Kaya may karapatan ako kung sino ang gusto kong maka-duet or makasama di ba? At kung kanino ko gustong ipakanta. So, talagang ipu-push ko ng husto na mangyari sa amin ‘yon ni Barbie after na magkaduweto kami ni Bea Binene,” lahad pa rin niya.
Hindi lang paglikha ng sariling awitin ang kaya nitong si Ken kung hindi maging sa pagtugtog ng iba’t-ibang musical instruments na gusto rin niyang ituluy-tuloy. At aware siyang iintrigahin din siya ng kanyang detractors na sobrang ilusyon at napaka-ambisyoso niyang tao sa lahat ng larangang gusto niyang pasukan.
“Well, wala naman pong masama kung pangarapin ko ‘yon at mag-ambisyon pa’ko ng husto sa buhay. Libre lang naman ‘yon di ba? Kapag binigyan ka ng gifted talent ng Diyos you should use it in a better way ‘yung para sa ikabubuti mo at hindi sa ikasasama. Kaya ka nga binigyan ng ganung talento para ipakita mo ‘yon at hindi itago,” katuwiran pa rin ng guwapong singer/actor.
“Kahit nu’ng wala pa naman ako sa showbiz hilig ko na ‘yung pagtugtog, pagkanta at paggawa ng mga songs. Kaya nu’ng mabigyan ako ng chance na mapasok dito sa showbiz, du’n ko naisip na bakit nga ba hindi ko gawin lahat ng kaya kong ipakita sa mga tao? Walang dahilan para mahiya ako and I’m really thankful to the Lord above na heto nagagamit ko ‘yung ibinigay niyang talent sa akin,” dagdag pahayag pa nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Napaka-mistesyoso naman daw nitong si Ken pagdating sa kanyang lovelife. Bakit nga ba wala pa ring nababalitang babae o may kinahuhumalingan siyang chicks sa kasalukuyan at puro pakikipagkaibigan lang ang mas gusto niyang mangyari sa sinumang babaeng nakikila niya dito sa showbiz?
“Mas naka-focus muna kasi ako sa aking career,” paliwanag niya. “Sino ba naman pong lalaki ang ayaw magkaroon ng inspirasyong babae di ba? It just so happened na mas gusto ko munang bigyan ng priority ang aking trabaho. Kasi naniniwala ako sa sinasabi na…’opportunity knocks at once.’ So, kailangang i-grab ko na agad ‘yung magandang opportunity na’ to kesa balewalain. Minsan lang darating ang ganitong magandang kapalaran sa buhay natin. But I’m still hopeful na ‘pag nasa tamang time na at ‘pag ano…nasa right age na’ko at meron nang stable na trabaho and secured na financially ‘e, du’n ko na haharapin ang aking lovelife. Sa ngayon career na lang po muna,” ulit pang pahayag ni Ken sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).