
Lovi Poe will be pitted against bestfriend Heart Evangelista in “Beautiful Strangers”
By Oghie L. Ignacio
Matagal-tagal na rin ang relasyon ni Lovi Poe sa lover niyang si Rocco Nacino. Pero kahit kailan ay walang sinumang nakasira sa kanilang pagmamahalan at pagiging lovebirds na makikitang truly, madly & deeply inlove with each other. Ano nga ba ang sikreto ng kanilang pagmamahalan na hindi natinag at nabuwag ng kanilang detractors?
“Well, I think ‘yung pagiging free namin pareho sa gusto naming dalawa as individuals,” bungad sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ng award winning young actress. “Sa amin kasi ni Rocco, walang bawal-bawal or ‘yung mga restrictions na tinatawag. Kung ano ‘yung gusto naming gawin hindi namin pinipigilan ‘yon. Kumbaga, sa relationship namin ‘e, wala ‘yung tinatawag na sakalan. Give & take lagi kami sa mga bagay na alam naming magiging happy kami once na ginawa namin,” sunud-sunod na pahayag pa nito.
“At kami, we see to it na bago pa kami gumawa ng isang bagay napapag-usapan namin ng maayos. Nagkakaintindihan kami kaya siguro mas lalong nag-blend ‘yung love naming for each other. And we don’t entertain negative vibes lalo na sa relasyon naming dalawa. Basta we try to do many things as we can na walang makakasira. As individuals talagang wer’e both happy na nagagawa namin lahat ‘yon ng walang problema,” paliwanag rin ni Lovi.
“Hindi rin nakikialam ‘yung mga tao sa paligid namin. Basta alam nilang masaya kami at walang kahit anong arguments na nangyayari sa amin okay lang,” sabi pa rin niya.
Bukod sa magandang chemistry nila as lovers ay nakadagdag dinbilang plus factor ang pagiging mahusay nilang aktor at aktres na mas lalong naging pundasyon ng kanilang samahan para patatagin at hindi masira ninuman.
“I don’t think so. But anyway, thanks sa may ganu’ng opinyon sa stand ng relationship naming dalawa. But you know, wala naman talagang sikreto sa longevity ng pagmamahalan. Basta may trust, care & love talaga kayong laging ipinaparamdam sa isa’t-isa, there’s no reason at all para masira ‘yung relasyon n’yo,” katuwiran pa ni Lovi.
Ang pinakahihintay na lang ng mga taong nagmamahal sa kanila’y ang humatong sila sa kasalan sa simbahan ang matagal na nilang pag-iibigan para mas mapatunayang sila talaga hanggang sa habangbuhay na pagsasama.
“Ngayon kasi, mas nag-i-enjoy pa kami Rocco sa lahat ng gusto namin. And of course sa aming career. Pero masarap talagang isipin na du’n kami papunta in the near future. Basta pabayaan na lang muna nila kaming pagsawaan ang pagiging single. Dahil darating din naman siguro kami sa ganu’ng stage when the right time comes,” lahad pa ng young actress sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Napapanood ngayon si Lovi sa pinakabagong telebabad na “Beautiful Strangers” ng GMA 7 kung saan magtatagisan sila ni Heart Evanghelista sa pahusayan ng pagganap. Pareho pa silang may acting awards nang napanalunan na nagpapatunay ng pagiging tunay na aktres ika nga. Handa ba ang unang tanggapin ang hamon sa pagitan nila ng huli para makita ng publiko kung sino ang tunay na magaling sa kanilang dalawa?
“Hindi ko iniisip ‘yon,” mabilis na sagot ni Lovi. “I accepted this telebabad hindi para makipag-compete kay Heart or sa kahit sinong kasama namin. Maganda ‘yung role at story mismo ng “Beautiful Strangers” kaya hindi kami nagdalawang isip ng aking manager na tanggapin nga ‘yon. Basta ako I will give my very best sa show namin na’to. Bahala na lang ang televiewers ang mag-judge. Kasi sa amin ni Heart, wala namang ganyan-ganyan. We’re just doing our job as an actresses. That’s it,” pagwawakas pa ni Lovi sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).