May 23, 2025
Albie Casiño is back in showbiz  and ready to prove his worth
Latest Articles T.V.

Albie Casiño is back in showbiz  and ready to prove his worth

Aug 7, 2015

By PSR News Bureau

albie and kathryn of mara clara kathbie pictures albie casino and kathryn bernardo kathbie christian and mara of mara clara abscbn

Nagbabalik bilang isang Kapamilya ang guwapong aktor na si Albie Casiño matapos ang apat na taong pagla-lie low nito sa showbiz. Matatandaan na dati siyang kapareha ni Kathryn Bernardo nang muling isinadula ang “Mara Clara.” Noong mga panahong iyon ay naging patok rin naman ang tambalan nila. Kung hindi sana pumutok ang isyu tungkol sa naging relasyon ni Albie kay Andi Eigenmann kung saan isa si Albie sa pinaghinalaan na ama ng anak ng aktres, malamang malayo na ang narating ng career ni Albie.

Mula noon ay nag-mature na si Albie. 17 lang siya noong maudlot ang kanyang pagpalaot sa showbiz. Ayon sa ina nitong si Mrs. Rina Casiño, itinuring na lang nilang ‘blessing in disguise’ ang nangyari pagkat nakapag-aral si Albie at ngayon nga’y isang semester na lang at malapit ng maka-graduate ang binata.  “Nag-aral ako sa Benilde (De La Salle-College of Saint Benilde) habang hindi ako aktibo sa showbiz,” bulalas ng 22 year old na hunk.

Ayon kay Albie, sa kanyang muling pagbabalik ay malaki na ang kanyang ipinagbago. “Yung buong pagkatao ko, bago na. It’s been a long time since people have really seen me. I don’t even know if they could still remember me. I was glad to know that there are still a few fans left from my tandem with Kathryn and they’ve been really supportive. So I’m more equipped in handling everything now like intrigues. I’m a more person now.”

Albie_CasinoParang vindicated pa nga si Albie ngayon dahil sa naglalabasang balita na matapos ipa-DNA test ang anak ni Andi, lumabas diumano na negative na si Albie ang ama ng batang si Ellie. Wala naming pag-amin o paged-deny sa kampo ni Andi at Jake Ejercito pero makikita sa Instagram account ni Andi na malapit ang anak niya kay Jake na dating nobyo nito. Miski si Albie mismo ay iniiwasang magsalita tungkol sa nasabing isyu. Matagal naman nang natapos ang naging relasyon niya kay Andi kaya’t wala naman ng dapat pang pag-usapan.

Masaya ang aktor na nabigyan siyang muli ng pagkakataon na makabalik sa showbiz at sa Kapamilya network pa kung saan siya talaga nagsimula. Kasama kasi si Albie sa cast ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang “On The Wings Of Love,” kung saan bida sina James Reid at Nadine Lustre. “Wala naman po akong exclusive contract with ABS-CBN. Yung contract ko po is for “On The Wings Of Love” lang kung saan ako po yung third party na medyo villain sa story,” kuwento ni Albie sa Philippine Shoebiz Republic (PSR.ph).

Hindi rin daw sasayangin ni Albie ang ibinigay sa kanyang ikalawang pagkakataon sa showbiz. Aniya, “Hindi naman lahat ng artista ay nagkakaroon ng ganitong chance to prove their worth. Sakto nga rin lang na after I’m through with school, I could concentrate with showbiz commitments again.”

Kaya’t expect more from Albie Casiño as he’s out to prove his worth. 

Leave a comment

Leave a Reply