May 23, 2025
Senator Grace Poe misses Dad; wishes he were still alive to ask for his advice
Home Page Slider Latest Articles

Senator Grace Poe misses Dad; wishes he were still alive to ask for his advice

Aug 7, 2015

roldan@castro

By Roldan Castro

20150605-poe-family-file-photo_328C88E76937483B9A00C33C5C347D3F

Hindi maitago ni Senator Grace Poe ang kanyang pangungulila sa kanyang amang si Fernando Poe Jr. Inamin ni Senator Grace sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na miss na miss niya si ‘Da King’ lalo na’t kinakaharap niya ang malaking desisyon kung ano ang plano niya para sa 2016 elections.

Ayon kay Senator Grace, marami ang nag-uudyok sa kanya na tumakbo bilang pangulo at marami rin namang nag-aambisyon na maging bise presidente sana siya nila. Hindi nahihiyang ikinuwento ni Senator Grace na kung nabubuhay si FPJ ay kokunsultahin muna nito ang ama sa mga hakbang na dapat nyang tahakin o kung anong direksyon ang dapat puntahan.

grace-poe-fpj“Alam naman ng marami na independent minded ako at marami akong desisyon na ako lang ang nagpasya, nakaka-miss din na wala si FPJ. Gusto ko rin naman ibahagi sa kanya kung ano man ang narating ko at saan ako naroroon,” pahayag ni Senator Grace.
Dagdag pa ng senadora: “Yung mga issues na binanabato nila noon sa tatay ko, parehong isyu rin yon na itinatapon ng ilang kampo laban sa akin.”

Sa darating na August 20 ay 76th birthday ni ‘Da King’ na lalo pang tiyak na magpa-miss sa senadora sa kanyang yumaong ama.

Leave a comment

Leave a Reply