
Aficionado’s Joel Cruz rewards his loyal employees with a house and lot worth 5 million pesos after 13 years of service
By John Fontanilla
Entrepreneur Joel Cruz made his fortune with his Aficionado perfume line, that’s why he’s also known as ‘Lord of Scents.’ On September 19, Aficionado Germany Perfume will be celebrating their 15th year anniversary. Kaugnay nito, mayroong malaking sorpresa silang inhanda para sa masugid nilang buyers at mga empleyado.
Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) si Mr. Joel Cruz at masaya nitong ibinalita na bahagi ng kanilang selbrasyon ay ang makapag-share sa mga chosen charities at foundation ng kumpanya. “Naka-focus kami sa charities, sa pagtulong sa ating mga less fortunate Filipinos. Pero bilang bahagi ng Aficionado anniversary, may mga suggestions tayong natanggap na malugod naman nating pinagisipan para maging mas masaya ang anniversary,” pahayag ni Mr. Cruz.
“Nakita kong nage-enjoy ang mga empleyado pag may mga competition gaya ng dance contest o kaya ay singing sa bawat departments. Kahit napupuyat sila sa practice, mas nakikita ko na united sila at mas maganda iyon para sa ikauunlad ng kumpanya. Kaya’t naisip kong bigyan sila ng magagandang premyo para everybody happy. Ang bottom line is gusto kong maging masaya ang mga tao.”
Alam na alam ni Mr. Joel Cruz ang kahalagahan ng kabutihan sa kanyang mga empleyado kung kaya’t kung nakapagtrabaho ka na at naging loyal sa kumpanya ng may 5 taon, 10 at 13 years, lagi siyang nagbibigay ng cash value bilang reward.
Meron na rin daw pabahay na binibigay si Sir Joel sa mga loyal na trabahador niya na umabot na sa 13 years na serbisyo at pagtatrabaho sa kanyang kumpanya. “Meron akong housing project and they’re so happy kasi when I computed their retirement,kunyari bibigyan ka namin ng 1.5 million pag nag-retire ka but the house kasi minsan umaabot ng 5 Million ay binibigay na ng company. Kaya nga sinasabi ko sa kanila, hindi naman sa pag-aano, sino ba namang kumpanya ang nagbibigay ng ganun?,” pagmamalaki pa ng The Lord of Scents.
“Bibigyan ka ng gift o reward na ganun, merong kang ganung halaga ng bahay. I’m happy naman kasi nakita ko naman kung papano sila nagsilbi sa kumpanya for so many years na rin. Sa ngayon meron ng dalawang nabigyan ay may mga susunod pa , basta’t loyal lang sa kumpanya at hardworking.”
“Yung isa nga wala pang 13 years pero ibinigay ko na sa kanya, pero kailangan pa rin niyang tapusin ang 13 years of service at may kontrata kami na kailangan talaga niyang matapos.Masaya ako kasi happy sila at ganun din ang kanilang pamilya. Choice nila kung saan nila gusto [tumira o pumili ng lugar na pagtatayuan ng bahay] pero subject to approval ng executives lahat, kasama din ako. Wag naman kasi sobrang layo. Dapat malapit pa rin sa opisina, basta’t nakita ko kasi yung loyalty, sincerity at hardworking, I know I owe it all to them. Sila kasi yung katulong ko sa pagbuo ng Aficionado. Kasama sila sa success na tinatamasa ng kumpanya kaya I’ve decided to be generous to them.”
May bago kaming products na ilo-launch soon. It will be something na magugustuhan ng mga Filipino. “Alam ko kasi kung papano tayo mamili, alam ko kung anong needs ng ng consumers. Meron kaming ilalabas na Pauline Luna na EDT. Yung Gary V na Gold at yung 15 years limited edition perfume namin.”
Malugod ding ibinalita ni Mr. Cruz na mayroon nang Aficionado sa 20 bansa at sa atin dito sa Pilipinas, mayroon naming 3,565 outlets na. 70 doon ang company owned, 300 ang franchise at 800 na dealers. Yung 3000 plus dun yun mga institutionals na parang grocery, kaya umabot siya ng 3,565 sa buong Pilipinas.”
Ano ang kanyang secret of success? “Well, number one kasi, yung perfume na ginagawa natin dito sa Aficionado, we know na yung mga signature brands na iyon ay nabibili natin sa presyong Php4,000 pesos up, we have the same na suppliers ng fragrance oil. Kung nanggagaling sa Germany o France yung mga fragrance oil, dun din kami kumukuha.”
“And we also make sure na we’re able to maintain yung quality, lalo na ngayon na certified na kami ng ISO TUV Rheinland Cert GmbH. Sa Germany ito and it took us 15 years bago kami nabigyan ng ISO accreditation.
“Kapag may ISO ka na sa mga produkto mo madadala mo na pang-international, world Class na ang products mo, so we can compete now kahit saang bansa. Kaya malaking bagay na nabigyan na kami ng ISO , kaya renew na lang ng renew tapos susunod na lang kami sa mga procedures nila.
Basta abangan na lang daw ang bonggang-bonggang selebrasyon ng kanilang 15th year anniversary.