May 22, 2025
Faces and Places Latest Articles

Ana Capri all-praises with Bea Alonzo

Aug 13, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

psr212rrfsfsfs1Gaya ng inaasahan, nag-hit sa takilya ang latest offering ng Star Cinema na “The Love Affair,” kung saan bida sina Dawn Zulueta, Richard Gomez, at Bea Alonzo. Naka-15 million ang pelikula sa opening day pa lang nito noong Miyerkules, August 12.

Siyempre pa, masaya ang buong cast ng nasabing movie. Si Ana Capri na gumanap bilang stepmother ni Bea, ay very proud daw na naging bahagi siya nito. First time makatrabaho ni Ana si Bea. Hats off daw siya sa aktres dahil hindi lang daw ito magaling kung hindi very professional din bilang isang artista.
“She’s very focused and supportive. Iyon ang napansin ko sa kanya,” sabi nga ni Ana sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Sinusuportahan niya ako sa mga eksena namin. Nakita ko rin ‘yung ganyan kina Nora (Aunor), kay Vilma (Santos)… which I’m trying to apply din. Kasi for me it’s an act of professionalism talaga. Kahit hindi ka na makita sa camera, you still give the best reaction and emotion dun sa eksena para sa co-actor mo.”

ana_capri“Ganun si Bea. Sometimes kapag nagtu-throw kami ng lines, kahit ako lang ang kita sa camera, she still gives her best. For me that’s the best part of working with Bea. And I really admire her for that. It’s really nice to watch her habang ginagawa ang trabaho niya. It’s nice to work with her. Because I know that I can also learn something from her as well. Kasi siyempre, she won’t be Bea Alonzo if she doesn’t know that’s she’s doing the right thing.”

May pagka-kontrabida ang role ni Ana bilang madrasta ni Bea. Sa story ay asawa siya ni Al Tantay na siyang tatay ng aktres.
“Isa sa matinding eksena naming dalawa ni Bea, ‘yung pinapalayas ko siya sa bahay ko. Feeling ko dahil sa scene na ‘yon, kamumuhian ako nang sobra ng fans niya!,” natatawang sabi ni Ana. “Kasi talagang minumura-mura ko si Bea. Medyo ang hirap nga para sa akin na gawin ‘yon. Kasi di ba… ‘yung hitsura ni Bea na ang amo ng mukha at napaka-sweet, mumura-murahin mo? Parang nakaka-konsiyensiya sa pakiramdam,” kuwento pa ni Ana.
“Pero siyempre, kailangang gawing makatotohanan ‘yong eksena. So hinugot ko na lang ‘yung maldita side ko sa totoong buhay kapag nagkakaroon ako ng bad day na umiinit ang ulo. ’Yung character ko, plastikada at doble kara, kumbaga. Bait-baitan ako kay Bea kapag nasa harap kami ng tatay niya na asawa ko nga.”

imagesHalos lahat na yata ng roles a nagampanan na ni Ana. Pero alin ba ang mas mahirap sa kanya, mag-portray ng mabait na character o maging kontrabida?
“Parehas lang naman. Depende. Kapag maldita ang mood ko in real life dahil halimbawa hindi maganda ang naging araw ko, ang hirap maging mabait, di ba?,” tawa ulit ni Ana.“And then kapag I’m having a good day naman na masaya ako, ang hirap namang maging salbahe. Di ba?
“Pero siyempre it’s part of work. Kailangan ilalagay mo ‘yung sarili mo doon at kakalimutan mo ang personal mo.”

‘Yung character ni Bea sa “The Love Affair,” na-involve sa isang may-asawa portrayed by Richard Gomez na husband naman ni Dawn Zulueta.
In the past lalo na noong namamayagpag si Ana bilang isa sa mga sikat na sexy stars dati na pinapantasya ng maraming kalalakihan, na-experience ba niyang ligawan ng isang married man?
“May mga nagpapahaging!,” tawa na naman niya. “Pero siyempre di ba… hindi ko pinangarap na maging homewrecker. Ang dami namang single guys. Bakit ko naman gugustuhing maging kerida? Pero siyempre, you don’t know what the future holds, di ba? Pero hindi ko naman naiisip na mangyayari sa akin ‘yon,” panghuling nasabi ni Ana.

Leave a comment

Leave a Reply