May 22, 2025
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

On fellow ‘Starstruck’ alumnus: “Alden’s blessed because of his kindness.” – Mark Herras

Sep 1, 2015

boy@romero
By Boy Romero

Inamin ni Mark Herras na nasa puntong paligaw pa lang siya kay Wyn Wyn Marquez. Pero naudlot ‘yun dahil ‘di pa raw ready ang dalaga. Busy raw ito sa pagtulong sa kanyang mommy Alma Moreno, na balitang tatakbong senador sa next year elections.mark-herras

“Hindi naman ako nagmamadali, ayaw ko namang gulohin ang buhay niya. Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko,” pahayag ni Mark nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) siya sa preskon ng “Starstruck” Season 6 kung saan isa sa hosts ang binatang ama.

Aminado si Herras na nagpupunta siya sa bahay ng dalaga kapag may okasyon dahil close friends sila. May grupo raw sila na kung tawagin ay ‘survivor’ at bukod sa kanilang dalawa ni Wyn Wyn, kasali rin sa nasabing grupo sina Enzo Pineda, Seff Cadayona at iba pa. Lumalabas sila as group.

starstruck_spotlight__mark_herras__marktheherras_1410517289Single daw siya ngayon at nag-e-enjoy siya. Mas may oras daw siya ngayon sa kanyang daughter na si Ada, na turning two years old na sa November. “Kay Ada ako naka-focus ngayon. Gusto ko kasing nakikita ‘yung mga development sa anak ko. Like ‘yung unang lalabas na word sa bibig niya. ‘Yung mannerisms niya, tuwang-tuwa nga ako dahil 100% kuhang-kuha niya ako. Kaya, alam n’yo na,” tawa pang sabi ni Herras.

Nahingan din siya ng reaction sa biglang kasikatan ngayon ni Alden Richards. Ang alam namin ay dalawang beses nag-audition ang binata, pero lagi itong rejected. Pero ngayon mas sikat pa ito kaysa sa mga naging winner ng “Star Struck.”

“Ang kabaitan ni Alden ang naglagay sa kanya kung nasaan man siya ngayon. Good friends kami at magkapitbahay sa Laguna. Ilang blocks lang ang layo ng bahay namin sa kanilang bahay. Mabait at down to earth siya. Masaya ako sa kanya at sabi ko nga kung ‘yung taong nasa likod ko o nasa harap ako,e, sumikat kaysa sa akin, masaya ako sa kanya. Wala akong inggit sa katawan,” sabi ni Herras.

Isa si Miguel Tan Felix sa hosts din ng “Starstruck,” pero marami ang nagsasabi na mas bagay at maganda kung si Aljur Abrenica ang kasali. Kaya kinuha din namin ang reaction niya tungkol kay Aljur, na siguro nga kung hindi lang ito nagkaroon ng attitude problem, makakasali din ito bilang isa sa mga hosts.

“Nagkakausap kami ni Aljur. Pareho kami kasi ng handler. Mentor nga ang tawag niya sa akin. Kung may sasabihin man ako sa kanya, sasabihin ko sa kanya, na ang pinakamagandang choice na gawin niya ay ang magdesisyon para sa kanyang sarili. Hindi desisyon sa buhay niya na galing sa ibang tao o sa manager niya,” pahayag pa ni Herras.

Anyway, magsisimula nang umere ang “Starstruck” ng GMA 7 sa September 7. Bukod kay Mark na magbibigay ng updates sa 35 hopefuls, hosts din sina Kris Bernal, Miguel Tan Felix, Rocco Nacino, Meagan Young at Dingdong Dantes. Uupo naman bilang mga hurado sina Regine Velasquez, Joey de Leon, at Jennylen Mercado.

Leave a comment

Leave a Reply