Liza Soberano says love can wait because her career remains to be her top priority
Sa naging panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kay Liza Soberano sa presscon/contract signing ng Nails.Glow na pag-aari ng mag-asawang Sir Ferdie at Miss AJ Opeña, na siya ang first endorser nito, ay natanong namin siya kung nanliligaw na ba sa kanya ang ka-loveteam na si Enrique Gil. Ang sagot niya ay nagpaparamdam pa lang daw sa kanya si Enrique, pero focused daw muna siya sa career niya dahil marami pa siyang kailangang bayaran tulad ng bago niyang bahay. Hinihintay niya lang ba na mag-18 siya sa January si Liza sa susunod na taon bago niya sagutin si Quen?
“Hindi naman po. I don’t think age is the basis. When I’m ready, when I think that I can handle being in a relationship po.”sabi ni Liza
Kung kelan daw siya magiging ready ay hindi pa alam ni Liza.
“I don’t know. Hindi ko masasabi. Ayokong magsalita, tapos hindi po matutupad. When I start feeling the love,”natatawang sabi pa niya.
Paano kung hindi makahintay si Quen at may mahanap na iba, anong magiging reaksyon niya?
Eh ‘di wala. Dati, ang iniisip ko sa mga boys, parang ang gusto lang, maraming girlfriends, parang gano’n. Pero I think, Enrique is different naman,”
Kung sakaling magiging boyfriend ni Liza si Enrique, siguradong ang unang-unang matutuwa ay ang lola ng young actress. Nung nakilala kasi nito si Enrique ay sinabi niya kay Liza na ito ang gusto niyang maging boyfriend ng kanyang apo
[divider]
Actress hooked on drugs now with a psychological problem
Epekto siguro ng paggamit ng drugs kung kaya balita namin ay nababaliw na raw itong isang aktres. Nakikita raw ito na tumatawa ng mag-isa at salita nang salita kahit walang kausap sa shooting ng pelikulang ginagawa niya. Kaya nagugulat daw ang mga kasamahan niya sa pelikula. Sino itong si aktres? Naging kontrobersyal siya kamakailan lang.