
Jobert Sucaldito calls ‘Aldub’ a fad; fans shouldn’t compare themselves to top loveteams
Nakapagsalita ang radio broadcaster na si Jobert Sucaldito sa fans ng pinakasikat na love team ngayon, ang ‘AlDub.’ Ayon kay Sucaldito, panandalian lang daw ang magiging kasikatan nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub kaya’t hindi raw dapat ito itinatapat o inihahalintulad sa mga sikat na love teams gaya ng KathNiel. Dagdag pa ni Sucaldito, wala daw dahilan para maikumpara ang ‘AlDub’ sa ibang mga loveteams dahil wala pa naman daw ito napapatunayan maliban sa mga ginagawa ng dalawa sa Kalyeserye nila sa noontime show na “Eat Bulaga!”
Baka daw sa mga susunod na araw ay hindi na ganun kainit ang magiging pagtanggap ng tao sa tamabalan nina Alden at Maine, lalo pa’t mahihirapan na ang mga manunulat ng kalyeserye nila kung ano pang maaari nilang gawin. Tingin din ni Sucaldito na ‘ilusyonada’ ang fans ng ‘AlDub’ at nagdududa ito kung marunong umarte si Maine.
Nag-react naman ang netizens at inulan si Sucaldito ng mga pagpuna sa ginawa nito. Ayon sa ilan, yun daw fans ng ibang love teams nga ang naiintimidate sa popularity ng ‘AlDub.’ Habang ang ilan naman ay todo pagtatanggol naman kay Maine. Marunong daw itong umarte at may ibubuga na marahil ay puwede pang ika-insecure ng ilang artista. Sinagot namang muli ni Sucaldito ang mga ito sa kanyang Facebook account. Aniya, gusto lang naman niyang manawagan sa fans ng ‘AlDub’ na matutong sumuporta sa kanilang iniidolo ng hindi na kailangan pang ikumpara pa ang mga ito sa ibang sikat na love teams para makilala ito sa sarili nilang paraan. “You can be a fan and take things constructively,” matapang at madiin pang pagtatapos ni Sucaldito.