May 24, 2025
Ronwaldo Martin concentrates more on indie films to hone his acting talent
Faces and Places Movies

Ronwaldo Martin concentrates more on indie films to hone his acting talent

Sep 8, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Isang magandang opportunity raw para sa baguhang aktor at younger brother ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na makasama sa trabaho si Nora Aunor. Ito ay sa pelikulang “Kabisera” na idinidirehe ng baguhan pero award winning direktor nang si Real Florido.

“Noong unang sinabi na kasama ako sa pelikula ni Miss Nora, natuwa po ako. Tapos si Kuya (Coco), sabi niya ayusin at galingan ko raw po,”ronwaldo martin aniya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Kumusta ang experience niya na makatrabaho ang Superstar?
“Okay naman po. Hindi naman po ako naiilang sa kanya. Kasi mabait po siya at napaka-humble kahit kanino na kaharap niya.
Panglimang pelikula na niya ang “Kabisera” na idiniderehe ni Real Florido. Una siyang lumabas sa indie film na ‘Captive,’ sumunod ay sa ‘Tumbang Preso,’ pagkatapos ay sa ‘Kasal,’ at ang ikaapat ay sa ‘Ari.’

“Bukod po dito sa “Kabisera,” may isa pa po akong ginagawa ngayon, ‘yung “Laot.” Tapos may isa pa po akong gagawin, ‘yung “Tuos” naman po.”
Payo raw ng kanyang Kuya Coco, sa mga indie films muna raw siya lumabas. Saka na lang daw sa TV o sa teleserye kapag marunong na talaga siyang umarte.

“Kahit po nag-acting workshop na ako, feeling ko marami pa po akong dapat na matutunan pagdating sa pag-arte. So kailangan ko po talaga ng sapat na experience sa acting,” sabi pa ng 18 year old na kapatid ni Coco.

May pressure ba na kailangan masundan niya ang yapak ng kanyang kuya at maging kasing-galing na aktor siya nito?
“Hindi naman po. Basta ayoko lang pong mapahiya sa Kuya ko o kaya po ay magkaroon ako ng bad reputation na puwedeng makaapekto rin sa kanya.
ronwaldo 3“Pinapangarap ko po siyempre na maging kasing-galing din niyang artista. Pero… mahirap po.”
Hilig rin ba niya ang pag-aartista? Pangarap din niyang mapasok sa showbiz?
“Hindi naman po talaga, e. Wala lang… ipinasok lang ako ni kuya po.
“Sabi niya… ‘O, Nog meron do’n kina Direk Dante Mendoza na gagawing pelikula, gusto kang isama.’
“Ako naman… ‘sige kuya.’”
Si Ferdinand Lapus ang manager ni Ronwaldo. Pero pagdating sa mga career decisions niya, dapat daw ay laging may konsultasyon din sa kanyang kuya.
“Siyempre po, gina-guide niya ako e. Ayos lang po ‘yon sa akin. Makikinig po ako sa mga advice ni kuya. Kasi matagumpay siyang artista kaya kumbaga hindi ako mapapasama kung susunod ako sa kanya.”
Muling nangiti si Ronwaldo nang matanong kung sino ang mga young actresses na crush niya?
“Si Gabbi Garcia po. Naging crush ko siya no’ng nagkasama kami sa isang project. At saka po si Anne Curtis, crush ko rin. Crush lang naman.”
Sino naman ang pangarap niyang makapareha o maging leading lady?
“Si Anne Curtis po. Kasi hindi lang siya maganda, magaling din siyang artista. At saka… crush ko nga po, e. Parang masarap katrabaho kapag crush mo,” nangiti ulit na huling nasabi ni Ronwaldo.

Leave a comment

Leave a Reply