May 24, 2025
Faces and Places Latest Articles Movies

John Arcilla talks about his encounter in “Heneral Luna”

Sep 8, 2015

By Mens Stone Island Tracksuit Sale Archie Liao

[Stone Island Coats Mens Sale dropcap]N[/dropcap]apakalaking challenge para sa magaling at premyadong actor na si John Arcilla ang gumanap sa makulay na buhay ng isa sa mga magigiting na heneral ng ating kasaysayan: ang papel ni Heneral Luna.

Ano ang paghahandang ginawa mo o immersion sa iyong role bilang Heneral Stone Island Jeans Mens Sale Antonio Luna?

“Sa kaso ko, nakatulong iyong natutunan ko sa school of acting. Yung inaalam mo ang physical, sociological at psychological components ng role mo. Physical, dahil fit naman ang built ko at iyong boses ko, malaki na akma sa role bilang isang fierce general. Advantage rin sa akin dahil na-train ako sa teatro. Medyo pamilyar din ako sa era na ito dahil na-meet ko si Luna noong ginagawa ko ang mga plays ko sa CCP noong formative years ko. Iyong past, ni-revisit ko because I had also encounters with Rizal, Bonifacio, Del Pilar at iba pa sa mga roles na nagawa ko na sa teatro. Iyong sociological at psychological components, you have also to consider. Kung bakit ilustrado raw si Luna at hindi marunong mag-Tagalog at kung ano ba siya sa kanyang ina at sa kanyang mga nasasakupan at mga taong pinaglilingkuran niya,” pagtatapat niya.

Ano ang kaibahan ng Heneral Luna sa mga historical figures na nagampanan mo na o na-experience mo sa teatro at pelikula?

“Karamihan ng mga heroes natin ay nagpopokus sa strengths ang kanilang character. Karamihan, hina-highlight iyong mga ugali nilang parang santo. Dito, I would say, iyong humanity ng character ni Luna ang ipinakita. I want flawed characters like Luna who had his share of flaws and imperfections and that makes him more human. Nagagalit siya, nagmumura, may temper siya na para sa akin ay taong-tao.”

May mga argumento sa ating kasaysayan na naging paksa ng mga diskurso tungkol kay Heneral Luna kung siya ba ay isang bayani o isang tulisan. Paano mo ipinakita rito si Luna sa paraang hindi makakaapekto sa sensibilidad ng mga taong naniniwala at hindi naniwala sa mga ipinaglalaban niya?

“ I have to consider all things into account. Iyong positive and negative na naisulat at nasabi tungkol sa kanya, kung ano iyong tsismis at kung ano iyong facts, but to be realistic, I have to embrace all para sa multi-dimensional presentation ng character ko,” paliwanag niya.

Kung may mag-offer sa iyo na gampanan ang isang historical figure o controversial na tao na hindi mo pinaniwalaan ang mga adhikain o salungat sa iyong paniniwala, tatanggapin mo ba ito o hindi?

“Actually, as an actor, para kaming lawyers. It’s just a role at ang tingin namin sa mga characters na ginagampanan namin ay hindi guilty. Iba naman iyong trabaho mo sa paniniwala mo. Although, Stone Island Polo Shirts Mens nangyayari naman iyan, tulad na lamang nang gawin ko ang isang pelikula kung saan nag-argue ako sa isang director tungkol sa isang karakter ng kilala kong historical figure na ka-lalawigan ko. So, kailangan ko lamang ipaliwanag iyong panig ko para marinig niya ako,” pagtatapos niya.

Ayon pa kay John, ang Heneral Luna ang isang napapapanahong paalala sa ating lahat sa ating pagka-Pilipino. Isang pelikulang tagapagpaunawa sa atin upang suriin natin ang ating mga sarili kung bakit sa kabila ng sinasabing kasarinlang nakamtan ay nananatili pa ring nakabilanggo tayo sa sistemang walang pagbabago.

“Ang pelikula ay susi sa ilang misteryo sa ating kasaysayan tungkol kay Luna. Kung anuman ang kanyang naging pamamaraan o may depekto sa kanyang pagkatao, nananatili namang Stone Island Coats Mens Sale Uk naroon ang pagmamahal niya sa bayan”, pagwawakas ni John.

Ang Heneral Luna ay nagtatampok rin kina Arron Villaflor, Mon Confiado, Bing Pimentel, Mylene Dizon, Perla Bautista, Lorenz Martinez, Joem Bascon, Alvin Anson, Alex Medina, Art Acuna, Archie Alemania, Epy Fleecewear Stone Island Quizon, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Ronnie Lazaro at maraming iba pa. May natatanging partisipasyon rin si Paulo Avelino.

Mula sa produksyon ng Artikulo Uno at sa direksyon ng premyadong director na si Jerrold Tarog (kilala sa kanyang Camera Trilogy), ang “Heneral Luna” ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Septiyembre 9.

Leave a comment