May 24, 2025
Julia Barretto apologizes for allegedly ignoring fans in London
Home Page Slider Latest Articles

Julia Barretto apologizes for allegedly ignoring fans in London

Sep 10, 2015

psr ad

by PSR News Bureau

julia-barretto1Nag-vent out ng kanyang saloobin ang young actress na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account kaugnay ng isyung pang-iisnab diumano niya sa fans sa London kung saan may series of shows ang ASAP. Kumalat kasi sa internet ang video na ipinost sa Instagram ng isang fan sa London, kung saan makikitang lumabas si Julia sa isang building at nang may tumawag na fan ay ni hindi man lang nito nagawang lumingon at dumiretso sa paglakad patungong sasakyan. Kabilang si Julia ssa mga Kapamilya stars na nagpunta sa London para sa ASAP. Umani ng madaming batikos si Julia mula sa mga netizens dahil sa naturang video.
Bilang tugon, nag-post naman kahapon si Julia ng mensahe sa Instagram account niya, dito na humingi ng paumanhin ang young actress. Ayon sa kanya, kung sa tingin ng fans ay hindi siya nambati o ngumiti man lang. Sabi ni Julia: “You can tell me it’s easy to even glance, how fast it is to smile or wave back…because yes it is and I apologize for not having done so.”

Nagpaliwanag naman si Julia na hindi naipakita sa video ang effort niyang bumati, kahit na may mga tumutulak sa fans para bigyan sila ng daan dahil mahuhuli na sila sa kanilang flight pabalik ng airport. Aniya, sabihin na raw ang lahat tungkol sa kanya, pero hindi daw dapat kuwestiyunin ang pagmamahal at appreciation niya sa fans.

Julia Barreto 01“The people are the ones who helped me get to where I am now. You can be laughing at me right now, mocking me or thinking this girl is just trying to save herself. This is myself explaining even when I do not even have to, but I am. I am for my fans. I am for myself because I can not take way too much judgement from people who do not know me behind the camera,” pagdidiin pa ni Julia.

Leave a comment

Leave a Reply