May 24, 2025
Faces and Places Latest Articles

Lotlot De Leon on mom Nora, daughter Janine and her own love life

Sep 11, 2015

Ruben Marasigan

by Ruben Marasigan

lot-lot-de-leon-5-200x300Okay ang takbo ng career niya at happy din siya sa kanyang lovelife. Ito raw ang dahilan kung bakit kuntento si Lotlot De Leon sa buhay niya ngayon.
Medyo matipid nga lang siya sa kanyang nagiging pahayag kapag tungkol na sa sa non-showbiz boyfriend niya ang nauusisa sa kanya.

“Let’s just say na happy lang ako,” aniya. “Happy ako sa kung ano ang ibinigay ng Diyos sa akin at labis kong ipinagpapasalamat iyon.”
Magti-three years na raw ang kanilang relasyon. Wala pa silang planong magpakasal?
“Wala pa naman. At saka… kailangan muna niyang hingin ang kamay ko sa mga magulang ko, naks! Hindi. Joke lang!,” napahalakhak na sabi pa ni Lotlot.
Siyempre hindi lang sa mga magulang niyang sina Nora Aunor at Christopher De Leon dapat hingin ang kanyang kamay kung hindi pati sa mga anak niya, hindi ba?
“Ang dami nila, ‘no?” tawa ulit ni Lotlot. “Pero wala pa naman pong proposal. Wala pa naman po kaming iniisip na gano’n.”

Aprub at boto ba naman ang mga anak niya sa kanyang boyfriend?
“Oo. They all get along well naman.”

Nagli-live in ba sila ng boyfriend niya?
“E… we’re friends! Naks!,” sabay halakhak ulit ni Lotlot.

‘Yung happy lovelife ba ang dahilan kung bakit blooming siyang lagi ngayon?
“Kailangang mag-bloom tayo. Para sa ekonomiya, sabi nga nila,” pagtukoy niya sa bukambibig ng production staff ng pelikulang ‘Kabisera’ na ginagawa niya ngayon with Nora.

nora-aunor (1)May effort ba sa part ng boyfriend niya na para makuha ang loob ng mga anak niya?
“Hindi na kailangan. Kasi they get along nga. They’ve known each other naman for quite a while already. So hindi na rin… natapos na ‘yung mga awkward moments.”

“At saka ‘yung mga anak ko, they want to see me rin naman na happy. Whoever I end up with, will take care and love me, okay na sa kanila.”

Smooth sailing din ang relasyon ng anak niyang si Janine Gutierrez at Elmo Magalona. At happy naman daw si Lotlot para sa mga ito.
“Mabait naman na bata si Mo (palayaw ni Elmo). Minsan dumadalaw si Elmo sa bahay. Magdi-dinner sila. Ipagba-barbecue ko sila. Magluluto ako. Bonding sila ng iba pang mga kapatid ni Janine.”

ang totoong buhay ni pacitaHuling nakasama ni Lotlot ang ina niyang si Nora sa pelikulang “Ang Totoong Buhay ni Pacita M” several years ago. Kaya sobrang natutuwa raw siya na napasama sa cast ng indie film na ‘Kabisera’ na pinagbibidahan ng Superstar.

“Masarap sa pakiramdam. Siyempre kasama ko ang nanay ko. Mas magaan sa akin kapag si mommy ang katrabaho ko. Parang natural na lahat. At saka… mas relaxed. Siyempre kasi kilala ko na siya. Alam ko na ang mood niya. Alam ko kapag tahimik siya, kung bakit. Alam ko kung makulit siya. Kung masaya,” pahayag pa ni Lotlot.

Kumusta naman ang mommy mo kapag nasa set?
Lot lot 01“Si Mommy ko … grabe! Kasi ‘yung mata pa lang niya… nakakatulala!,” tawa na naman ni Lotlot.
“May sisimulan pa po akong dalawang indie films pa. So… I’m very excited about that. Tapos may ginagawa din po ako for MMFF na ‘Dama’ ang working title. Kasama ko rito sina Vhong Navarro, Rayver Cruz, si Janine (Gutierrez) ‘yong daughter ko, si Alex Gonzaga, at si John Lapus. Magku-comedy ulit ako dito. Para break do’n sa lagi kong ginagawa na iyakan.”

Comedy rin ang tipo ng role niya sa MMFF entry last year na ‘Kubot’ kung saan nagwagi nga siyang best supporting actress. Maulit kaya ang kanyang panalo?
“Ay, naku… wala po akong iniisip na gano’n! Bahala na po si Lord. Basta ako ginagawa ko lang ang trabaho ko,” panghuling nasabi ni Lotlot.

Leave a comment

Leave a Reply