May 24, 2025
Home Page Slider Latest Articles

Julia Barretto and Nadine Lustre snubs each other in London show

Sep 11, 2015

psr ad

by PSR News Bureau

Balitang nagka-isnaban daw sina Julia Barretto at Nadine Lustre sa isang show ng ASAP sa London kamakailan lang. Ayon sa mga nakasaksi, parang hindi daw nila kilala ang isa’t-isa lalo na si Julia na mas madalas na sinasabihang isnaberaimage1. Hindi yata nila nagustuhan na magkatabi pa sila ng upuan habang pinapanood ang ilang kasamahan nila sa ASAP na nagpe-perform.

Kitang-kita daw mismo ng camera kung paano sinimangutan ni Julia si Nadine. Bakit naman sila hindi magpapansinan gayung matatandaang nagkasama na sila dati sa pelikulang ‘Para Sa Hopeless Romantic’? Inisip ng marami na dahil daw it okay James Reid. Hindi naman katakataka iyon dahil matatandaang nabalita noon na lumabas sa download (1)isang coffee shop sina James at Julia noong kasagsagan ng promotion para sa naturang pelikulang tinampukan nila. Pero natigil lang lahat iyon nung mabalitang may nobya na si James na isang Brazilian model.

Lately nga ay laman na naman ng intriga si Julia dahil sa umano’y attitude problem nito. Hindi nga daw niya nagawang batiin ang fans niya sa London o kumaway man lang. In fairness kay Julia, nag-apologize naman ito sa fans at inamin ang kanyang naging pagkakamali. Hindi lang natin sigurado kung papalampasin ito ng sariling hukbo ng fans ni Nadine Lustre lalo na’t kung si James Reid na katambal ng idolo nila ang magiging dahilan.

Leave a comment

Leave a Reply